Deene's POV
"Deene!" Pasigaw na tawag saakin ni Xian ng maabutan niya ako dito sa parking lot ng condominium na pansamantala kong tinutuloyan dahil ayaw kong umuwi sa bahay. God! Hindi ba talaga siya nakakaintindi na ayaw ko na sa kanya.
"What?" Pabalang kong tanong ng harapin ko siya.
"Can we talk?" Sumamo niya na ikinaikot ng mata ko.
"Look Xian, I already made it clear to you that we're over. Wag mo na akong kulitin." Sabi ko naman at ng akmang iiwan na siya ng pigilan niya ako sa braso.
"No, I love you, Deene. Just come back to me please, I thought you love me too?" Aniya.
"I never told you I loved you. Just please leave me alone." Binaklas ko ang pagkakahawak niya saakin at agad ng sumakay sa kotse ko at mabilis iyong pinasibad. Its been two weeks since we dated at hanggang ngayon nangungulit padin siya, nakakapika na.
Ipinarada ko ang sasakyan ko sa isang sikat na mall bago nagmamadaling lumabas. Ilang minuto nadin akong late, magkikita kami ngayon ni Bree dahil naiinis daw siya dun sa asawa niya, napapalatak ako ng makita ang oras sa wristwatch ko. Ten minutes late means non-stop sermon kay Bree, she hate being late at ng minsang malate ako sa usapan namin ay ang dami niyang putak na muntik ng ikasira ng eardrums ko kaya naman agad na akong tumakbo papunta sa isang Korean restaurant. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko nakita ang isang matangkad na babae na papalabas sa isang coffee shop at nabunggo iyon.
"f**k!" Malakas niyang mura ng matapon ang dala niyang iced coffee sa suot niyang white blazer.
"Oh my god, im so sorry, im so sorry." Sunod-sunod kong hingi ng paumanhin bago nagmamadaling kinuha ang panyo ko sa bag at sinimulang punasan ang natapunan niyang blazer.
"You're still stupid, Deene." Anang babae na ikinaangat ng tingin ko, bat alam niya ang pangalan ko? Halos manlaki ang mga mata ko ng makilala ang babaeng nasa harap ko ngayon. Si Violet. Ang laki ng ipinagbago niya kung dati nung mga bata pa kami ay maganda na siya lalo naman ngayon wala tulak kabigin, ang sopistikada din niyang tingnan, akala mo'y modelo sa sobrang tangkad. Hinagod ko pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa, namula ako ng mapagtanto ang ginawa. Did I just checked her out? God!
"You're blushing." Ngisi niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko. Wait, why does my heart beats so fast? Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Mas lalo pang bumilis ang t***k nun ng marinig ko ang marahan niyang pagtawa. Even her laugh sounds so beautiful.
"Stupid." Aniya na ikinatingin ko ng masama sa kanya. Di dapat ako humahanga sa Violet na 'to, ilang beses niya kaya akong binully dati.
"What? Ikaw paba ang magagalit? When you're the one who spilled my coffee on me." She rolled her eyes. Bat ba ang ganda niya lalo nakakainis.
"Im sorry, pero kailangan ko ng umalis." Ani ko na ikinataas ng kilay niya. Hinubad nito ang suot na blazer at ibinigay saakin. Nagtatanong ang mga mata namang napatingin ako sa kanya. Napatingin pa ako sa mapuputi niyang balikat nang hubarin niya ang suot na blazer.
"Ibalik mo sakin yan pag malinis na. Here's my address." Aniya bago may kinuha na maliit na card sa bag. Nang tanggapin ko iyon ay naroon nga ang address at cellphone number niya.
"I'll get going may work pa ako." Sabi niya bago lumapit saakin at halikan ako sa gilid ng labi ko na ikinalaki ng mata ko at ikinabilis ng t***k ng puso ko.
Ngumisi pa siya saakin bago naglakad paalis. Di makapaniwalang napahawak naman ako sa gilid ng labi ko habang hinahatid siya ng tingin. Bago siya mawala sa paningin ko ay humarap pa siya saakin at kumindat.
Shit!
ZyyyRilll