PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 PHP!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!
PLEASE, DO READ UNTIL THE LAST PAGE AND LEAVE SOME COMMENTS FOR MEEEE. :)
Epilogue: "The Ending"
Life is about... finding and learning how to love and accept yourself.
"Good morning, Sisi! I have flowers for you. Gumamela as always, favorite natin ito, 'di ba? No'ng mga bata pa tayo at hanggang sa paglaki natin at sa pagtanda. Nagsasawa ka na ba dito? Please h'wag kang magsasawa, ha?" lumapit ako sa kinaroroonan niya.
Life is about... finding and keeping someone who can love you most at your worst.
"How are you feeling today? Hope you feel much better than yesterday. Miss na miss na kita, do you miss me too?" napangiti ako. "Well, I bet a big yes, right?" napahinto ako at napatitig muli sa kanya.
Life is about... accepting and hoping things happen for the best.
"It's been six months and I think I'm going crazy without you. Ang hirap pala, it's too difficult, Sisi. I don't know if I can bear it anymore and I don't know what to do. Haist!" ngumiti ako, kahit pilit na ngiti. "But I just can't forget what you've promised to me, you'll be back, right? And I'm here, I'm still waiting... I'm waiting for you, Sisi."
Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. I've been crying and crying hoping that everything will be alright soon.
But... a sad thing in life is...it is so unfair...
"Naaalala mo pa ba lahat ng pinagsamahan natin? Lahat ng memories natin whether it's good or bad. It will always put a smile on my lips and put happiness on my heart. Your smile is my weakness and I miss it so much. I miss you, crazy girl."
Life is really unfair because sometimes, you meet someone who means so much to you, only to find out that in the end, you'll never be together...
"I-I love you and no matter what happens it can't change the fact that I'm so in love with you. So please, come back soon. I-I don't want to wait anymore, I-I don't want to cry more, I-I don't want your memories, I want y-you. I want you t-to come back so soon...
I love you and I-I know you love me too. I'll never forget that. Never, Sisi. S-so please don't break your promise, c-come back to me," pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti muli sa kanya.
I don't expect an answer from her. For one hundred eighty-two days, paulit-ulit ko itong sinasabi sa kanya.
Araw-araw ko siyang pinupuntahan, araw-araw ko siyang dinadalan ng bulaklak, araw-araw ko siyang tinatabihan tapos kukwentuhan at araw-araw ko rin siyang ipinagdadasal. Araw-araw ko siyang hinihintay, araw-araw akong umaasa, at hindi ako magsasawa, hinding-hindi.
"Gising na... Gumising ka na, Sisi," bulong ko sa tainga niya.
Sabi nila, kapag daw comatose ang isang tao nakakarinig pa rin daw ito kaya kahit ilang ulit ko pa sabihing mahal na mahal na mahal ko siya ay hindi ako mapapagod hanggang magsawa na siya sa boses ko at siya na ang magkusang gumising.
Anim na buwan na rin na ganito ang kalagayan niya pagkatapos ng operasyon. Araw-araw din nandito sila tita at tito, umaasang magigising siya ulit at babalik sa amin ng nakangiti.
Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil until now she's with us. Kahit na ganyan ang kalagayan niya mayroon pa ring pag-asa na puwede naming kapitan para makasama siya ulit.
Hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak. Bakit ganoon? Bakit pagdating sa kanya ang hina-hina ko?
Siguro dahil... siya ang buhay ko at hindi ko kayang mawala siya. I'm scared, so scared. Ayokong magising na lang ng isang araw na hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko makakaya.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ‘yon. Tumingin ako muli sa kanyang maamong mukha.
Gusto ko nang masilayan ang kanyang ngiti. Gusto ko nang marinig ang cute niyang boses. Gustong-gusto ko na siyang makasama ulit.
"I love you," I said again and kiss her forehead.
Napatingin ako nang magbukas ang pinto.
"Lelouch, puwede ka nang umalis saglit. Kami na muna ang magbabantay sa kanya," si Mrs. Sam iyon kasama ang kanyang asawa.
"Sige po," nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.
Araw-araw akong pumupunta sa simbahan para ipagdasal si Sisi dahil alam kong kaya Niyang ibalik si Sisi sa amin. Hindi nawala sa puso ko ang paniniwala at ang pag-asang babalik siya.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng simbahan, lumuhod akong muli, at tumingala sa Kanya.
"Lord, maghihintay pa rin ako dahil, alam ko po, babalik siya. Hindi ko lang alam kung kailan pero maghihintay pa rin po ako dahil mahal ko siya. Kaya ‘wag Niyo po muna siyang kukunin, ha? Pahiram muna kami. Ipahiram Mo muna po siya sa amin... sa akin. Pangako. Mamahalin ko siya ng lubos, iingatan, aalagaan at hinding-hindi ko na siya sasaktan muli.
Lord, marami pa po akong ipapakita sa kanya. Marami pa po kaming pupuntahang mga lugar na hindi pa niya napupuntahan. Ikakasal pa kami, magkakaanak pa po kami ng mga makukulit at nakakatuwang mga bata.
Lord, gusto ko pong tumanda kasama niya, gusto ko po siya makasama habang buhay...kaya sa akin muna po siya pakiusap. P-pakiusap po. Amen," mariin akong pumikit at saka tumayo.
Lumabas na ako at naglakad-lakad para tumingin ng mga bulaklak. Ibibili ko ulit si Sisi. Napatigil ako nang mapatingin ako sa isang Wishing Well sa tapat ng simbahan. Lumapit ako roon. Kumuha ako ng barya at nag-wish at inihagis ‘yon. Hindi naman ako naniniwala roon pero gusto ko lang gawin iyon sa sandaling iyon.
Ang tanging hiniling ko lang ay... siya.
Si Sisi.
MAHIGIT isang oras din bago ako nakabalik sa hospital. Dala-dala ko ang isang punpon ng gumamela na ibinigay sa akin ng mga bata sa park dahil dumaan na rin ako doon. Pasakay na ko ng elevator ng biglang mag-brown out.
Nabitawan ko ang mga bulaklak na dala ko, hindi ko alam kung anong irereak ko. Agad akong tumakbo papunta sa hagdan at dali-daling umakyat papunta sa fifth floor.
Si Sisi.
Lord, please. Huwag... ‘wag naman po ngayon...
Hindi ko makakaya, please.
Hindi ko alam ang gagawin ko, bawat hakbang ko ay parang isang oras ang tagal noon.
Tumatakbo na ako pero pakiramdam ko ang layo-layo ko pa rin sa kanya. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa room niya.
"Sisi!" hingal na hingal kong binuksan ang pinto.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita sila tita at tito doon na magkayakap habang umiiyak. Napadako ang tingin ko sa higaan niya pero... wala siya.
"S-si S-sisi po?" hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Sabay silang tumingin sa akin at umiling. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa.
Hindi maari. Hindi niya ko puwedeng iwanan na lang basta-basta. Hindi puwedeng sirain niya ulit ang pangako niya. Hindi puwedeng mawala siya.
Hindi. Hindi puwede.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Naramdaman ko na lang ang paninikip ng dibdib ko at ang walang tigil na pag-agos ng luha ko.
Maaaring nagkukunwari lang sila, pero walang tigil din ang pag-iyak nila. Pero baka naman nagkamali lang sila, baka lumabas lang si Sisi, hindi ba?
Pinahid ko ang mga luha ko. Hahanapin ko siya, hindi niya ako puwedeng iwanan. Sabi niya babalik siya, sabi niya hintayin ko siya. Sabi niya mahal niya ako.
Dali-dali akong lumabas ng kuwartong iyon at inikot ko lahat ng kuwarto sa hospital at sinubukan kong hanapin siya. Umaasa akong makikita ko siya sa isa sa mga kuwartong iyon ng nakangiti at naghihintay na mahanap ko siya pero halos naikot ko na ang lahat ng kwarto pero wala pa rin siya.
Dahan-dahan akong naglakad palayo roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, at kung saan ko ba siya hahanapin basta dire-diretso lang ako sa aking paglalakad. Para akong hindi makahinga.
Bakit ko nga ba siya iniwan?
Bakit nga ba ang tagal ko bumalik?
Bakit nga ba hindi ko siya naabutan?
Nanginginig ako at unti-unti nang lumalabo ang paningin ko sa mga luhang patuloy na lumalabas sa mga mata ko. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Parang akong dahan-dahang nauubusan ng hininga.
Napahinto ako at napasandal sa pader at napahawak sa dibdib ko.
Sisi...
Paano na ‘yung pangako mo? Hindi mo na naman ba tutuparin? Ha?
‘Wag mo akong iwan, pakiusap.
Pakiusap.
Napahagulgol na ako at napaupo sa sahig doon.
Hindi ko makakaya, Sisi. Hindi ko kaya ng wala ka.
Ano ka ba? Paano mo ako nagawang iwan? Paano?
Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit mo ako iniwan? Bakit?
"Sisi!" napasigaw na ako.
Someday, someone will walk into your life, someone, who will love you even at your worst, someone who will accept you the way you are, someone who will make you realize that you are worth loving for, someone who will show you that you're the best in the world...and someone who will make you feel the real love...
And you just can't accept the fact that sometimes, that someone you're waiting for will never be yours.
She said, "Everything happens for a reason."
I believe in that, but how I wish I knew what that reason was 'cause it's killing me inside.
And I realized, nothing is permanent in the world. Lahat puwedeng mawala na lang ng bigla, lahat puwedeng magbago sa isang iglap.
But, one thing will never ever change, iyon ‘yong pagmamahal ko para sa kanya. I will never ever forget her and her seven days with me.
And that one hundred eighty-two days extension.
I love you, Sisi.
I love you so much...
Napahawak ako sa ulo ko ng may tumama sa akin. Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa sahig kung nasaan ang isang tsinelas na sa tingin ko ay ang ginamit na pambato sa akin.
I just can't accept na sa mga sandaling iyon may taong maglalakas ng loob na gawin ‘yon.
Wala ako sa mood para makipag lokohan, dahil...
"Iiyak ka na lang ba r’yan?"
Narinig kong may nagsalita mula sa likuran ko.
Hindi ko alam kung bakit parang tumalon ang puso ko sa pagkakarinig ng tinig na ‘yon pero agad akong tumayo. Pinahid ko ang mga luha ko at unti-unting lumingon sa kinaroroonan ng boses.
Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya... Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko.
Hindi ko magawang kumurap man lang kahit isang segundo... para akong nadikit sa kinaroronan ko.
Hindi ko man lang magawang ikilos ang katawan ko pero tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko.
"Bumalik na ako, tinupad ko na ang pangako ko sa iyo!" nagsalita muli siya at this time sigurado na kong siya ang nagsalita. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Hindi ka ba masaya?" tanong niya muli pero hindi pa rin ako sumasagot at hindi pa rin ako kumikilos.
Kinuha niya ang isa pa niyang tsinelas kahit nahihirapan siya at itinapon iyon sa akin. At sa pangatlong pagkakataon na hinagisan niya ako ay nakailag na ako.
"Lelou!" sigaw niya. "Can you be with me...forever?" tanong niya ulit pero hindi pa rin ako nagsasalita at tumitig lang sa kanya.
Hindi talaga siya nakakasawang tingnan. Naka-wheel chair siya siguro'y hindi pa rin siya makatayo ng mabuti dahil sa tagal niyang na-comatose.
"Huy, don't tell me tatanggihan mo ako?" umiling ako habang umiiyak pa rin. "So, ano na? Magtititigan na lang ba tayo rito? Yakap na!" pinilit niyang tumayo at ‘yon ang signal ko para tumakbo palapit sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng tuluyan.
Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang balikat at doon umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang pag hikbi niya, hindi lang ako ang iyakin... siya rin.
Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ng mga sandaling iyon. Para akong nasa langit sa sobrang saya at gaan ng pakiramdam kong makita at mayakap siyang muli.
Hindi ako makapaniwala, agad akong tumingala, at pumikit nang mariin.
Salamat, Lord. Promise, tutuparin ko ang pinagkasunduan natin.
"Hindi muna sinagot ‘yong tanong ko." Nagsalita siyang muli at kumalas sa yakap namin. "Can you be with me... forever?" tanong niya sabay ngiti.
Tumingin ako sa kanyang mga mata at hinawakan ang kanyang mga pisngi.
"That seven days were not enough so, it's a yes! Forever with you, Sisi!" I answered and kissed her gently then I hugged her again.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon, pero bakit ba ako nagulat? Alam kong babalik siya dahil pinangako niya. Alam kong makakaya niya. Alam ko ‘yon.
Kaya pala wala ring tigil sa pag-iyak sila tita at tito kanina. Hindi sila umiiyak sa lungkot kundi sa tuwa dahil nagising si Sisi, dahil nakabalik siya sa amin.
Hindi ko alam kung anong nangyari habang wala ako, kung himala man o hindi ang pagbabalik niya. Nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako sa Kanya.
Nilagay ko sa bulsa ko ang isang kamay ko at kinuha ang isang maliit na red box doon. Matagal ko nang binili ito and I just wait for the perfect moment and perfect time to do it.
Lumuhod ako sa kanya at kinuha ko ang kamay niya.
"Will you...marry me?" tanong ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya but I just don't want to waste time. Ayoko nang mawala pa siya ulit sa akin. Ayoko ng sayangin pa ang pagkakataon para maging masaya kasama niya.
"Dapat 'Will you be my girlfriend' muna, 'di ba?" reklamo niya.
"Ayoko, dahil sa kasal na rin naman tayo pupunta, eh. Tatanggihan mo pa ba ang isang guwapong katulad ko?" tanong ko pero umirap lang siya. Napangiti na lang ako, bakit ba ang pakipot ng mga babae? "So, will you marry me?
"Yes. I will," sagot niya agad. "Forever, Lelou... I love you! Thank you for waiting."
"I love you too!"
Siya na ang humawak ng pisngi ko at hinalikan ako.
To be with her in Seven Days made me realize that;
Love is not about how many days, months, or years you've been together.
Love is about how much you love each other every day.
Love is when you look at her and you instantly become happy.
Love is when you hear her laugh and it makes you want to laugh again and again.
Love is when you are with her and you just want to stop the world from spinning.
Love is when you hold her and you just don't wanna let her go.
Love is when you look in her eyes and see your future together happy forever.
Yes, seven days with her is hell because forever with her in heaven.
Now, I can say that I'm happy, truly I am. Thank you, Lord, for giving her back to my life, forever.
This is Lelouch and this is our story.
The ending is just the beginning.
--
End of the Story! Waaaah! Nawa po ay nagustuhan niyo! Thank you po sa lahat ng nagbasa ng storyang ito! I really really appreciated all your efforts to read and to leave comments. Thank you po! I love you all!
Please, don't forget to follow me and also, read my other stories here on Dreame at Yugto. May mga complete story na po ako at mga on-going: Lie To Me Again, Ways To Win Your Heart, My Naughty Ice, Dear Stranger, Loving The Boy in A Suit. Thank you!
---
Dara Nakahara