PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores, shopee, lazada at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!
Day6: “Wish Upon A Star”
It’s a good day actually. Parang sa tem years na kalungkutan ng buhay ko ay ngayon ko na lang ulit naramdaman ‘yong ganito kasaya dahil nasa tabi ko ulit ang taong mahal na mahal ko.
Dito ako natulog sa hospital dahil sinamahan ko si Yassie magdamag. Ayoko rin naman siyang iwanan lalo na sa kalagayan niya.
Ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog, mapayapa, tahimik, at parang walang problema. She’s the strongest girl I’ve ever known kaya naman naniniwala akong makakaya niya.
“Good Morning, beautiful,” bungad ko sa kanya sabay ngiti. Kakamulat lang ng mga mata niya, halatang nagulat pa siya nang makita ako.
“Good morning, handsome!” masayang bati niya. “Ang aga mo naman atang nagising. Hindi ka na ata natulog, eh. Tinitigan mo lang ata ako habang natutulog,” pang-aasar niya sa akin.
“Natulog ako, 'no. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi ka tingnan,” sabi ko sabay ngiti. Actually, almost two hours lang ang tulog ko.
Iba kasi talaga 'pag may iniisip ka. Kahit na anong gawin mong pagpikit sa mga mata mo ay nagigising ka pa rin. Iba talaga 'pag may takot kang nararamdaman.
“Ikaw talaga, huwag mo kasi ako masyadong iniisip ayan tuloy, hindi ka nakakatulog,” pang-aasar pa niya.
“Eh, hindi ko naman kayang hindi ka isipin,” sabi ko tapos bigla siyang tumawa nang malakas.
“Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ko.
“Lahat!" sabay tawa niya uli nang malakas. Ako ba'y niloloko ng babaeng ito? "Ikaw ba talaga ‘yan? Si Lelouch? Hindi ka naman ganyan dati, ah!” tawa pa rin siya nang tawa para tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko sa sobrang hiya. “Pulang-pula ka na,” asar pa niya na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
“Haist! Totoo naman ‘yong sinabi ko! Hindi ako natatawa, ah,” pagalit kong sabi pero tawa pa rin nang tawa ang baliw na ito. “Tumigil ka na nga, para kang luka-luka d’yan.”
“Uy, naiinis na siya. Binibiro lang naman po kita. Tara! Sabay na tayo mag-breakfast,” aya niya pero hindi ako gumalaw man lang. “Uy, tara na.” Hinila niya ako pero hindi pa rin ako nagpahila. “Ayaw mo, huh?” sabay kiliti sa akin.
‘Oy, ano ba? Sisi!” kiniliti pa rin niya ako, makulit talaga. “Tumigil ka na nga, oo na. Uy! Sasama na nga ako!” saka lang siya tumigil sa pagkiliti sa akin. Now, it’s my turn. Kiniliti ko naman siya. Nagkilitian lang kaming dalawa hanggang sa mapagod kami kakatawa. “Tara na!” tumango lang siya.
Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin. Sana, ganito na lang kami kasaya… Sana, wala nalang katapusan ang lahat. Sana… ang sana ay may kasiguraduhan.
Napagpasiyahan namin na manood ng sine, ‘yon kasi ang hiling sa akin ni Yassie. Gusto raw niya akong makasama buong araw at ‘yon din naman ang gusto ko.
Nagpaalam kami sa magulang ni Yassie. Pumayag sila kaya naman ang doctor naman ang kinunsulta namin. Pumayag din ito basta hindi mapapagod si Yassie para sa operasyon nito. Bago kami pumuntang sinehan ay dumaan muna kami sa park.
“Ang cute nilang panoorin, 'no?” sabi niya na nakangiti habang pinapanood ang mga batang naglalaro sa park.
“Oo, pero mas cute 'yong pinanapanood ko…” hinampas niya ako sa balikat ko nang ma-realize niyang siya ang tinutukoy ko.
“Tsk! Bolero ka na ngayon, ah! Nakaka-miss tuloy si Mr. Sungit.”
‘Bakit? Ayaw mo ba, kapag ganito ako?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya ng mahigpit.
“Hindi naman, nakakapanibago lang,” sagot niya sabay ngiti.
“Masanay ka na. I want you to feel how much you mean to me, every moment.” Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “You’re so beautiful, alam mo ba ‘yon?”
“Well… Yes?” sagot niya at sabay kaming napatawa.
“Ate ice cream!” sigaw ng mga bata.
“Hello, kids! Naaalala niyo pa ba si ate?” bati naman ni Yassie.
“Opo, kasi nilibre niyo po kami ng ice cream, eh," sagot nang isa, saka nagsitanguan ‘yong iba.
“Dahil d’yan, ililibre ko kayo ulit ng ice cream!” sabi niya sa mga ito.
“Yehey!” sigawan ng mga bata na tuwang-tuwa.
Binili niya ang mga ito ng tig-iisang ice cream at sabay-sabay kaming kumain sa ilalim ng puno.
“Ate, thank you po sa ice cream…” sabi nang isa.
“You’re welcome, basta ba magpapaka-good kids kayo, eh,” payo niya rito.
“Opo, ate!” sabay-sabay nilang sagot.
“Tara na, Yassie,” aya ko sa kanya kaya naman nagpaalam na siya sa mga bata.
“Mag-iingat kayo, huh? ‘Wag masyado makulit!” paalam nito.
“Opo, kayo rin po ate, kuya! Mag-iingat po kayo!” paalam no'ng bata.
“Ate, ipagpe-pray ka po namin kay Papa Jesus para lagi kang okay, para malibre mo po kami ulit ng ice cream,” ani ng isa.
“Tapos, laro po tayo ng tagu-taguan pagbalik mo rito, ate. Hihintayin ka po namin!” dugtong ng isa pa.
“Oo naman, basta pag-pray niyo si ate na maging okay, huh?” sabay-sabay silang tumango.
Niyakap siya ng mga bata at niyakap niya rin ito. “Ba-bye na!”
Pagkatapos niyang magpaalam ay dumiretso na kami agad sa sinehan. Bago kami pumasok sa loob ay bumili na ako agad ng popcorn at inumin namin.
“Ang dami naman ata niyan? Mauubos ba natin lahat ‘yan?” tanong niya nang makita ang tatlong malaking supot ng popcorn na may iba't-ibang flavor saka juice.
“Hindi ko kasi alam kung anong flavor ang gusto mo kaya binili ko na lahat. I’m sure, mauubos mo ‘yan,” sabi ko.
Pumasok na kami sa loob, sa bandang unahan kami pumuwesto. Hindi ko alam kung anong movie ang papanuloorin namin pero dahil siya ang pumili, sigurado ako na love story ‘yon.
“Start na! Nood na tayo!” masayang sabi niya sa akin na pilit ibinabaling sa screen ang mukha ko.
“Oo, nanonood ako,” sabi ko.
“Nanonood raw, eh, ako lang naman ang pinapanlod mong kumain ng pop corn, eh! Nakaka-concious kaya, Lelou!” nakasimangot niyang sabi.
“Ang cute mo kasing kumain, eh, nakakabusog!” paliwanag ko sabay ngiti sa kanya.
“Wag mo nga ako daanin sa pangiti-ngiti mong ganyan, Mr. Perez!” utos niya.
“Bakit naman? Ayaw mo ba?” tanong ko.
“Gusto… I’m just... falling for you all over again.”
“Then fall… I’m always willing to catch you, Sisi," sagot ko tapos ngumiti siya. “That’s the sweetest smile I’ve seen from you.”
“Hindi ka na kasi korni, eh, pinapakilig mo na ako,” sabi niya.
“I love you,” sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.
“I love you too...” she answered at niyakap niya ako ng mahigpit.
I want to cherish every second with her. I want her to be happy with me.
I want to see her smile every second, I want to hear her voice every minute and I want to feel her love every day.
I want her to live…
“Manood na nga tayo. Ayan na sila, ang cute nila, oh.” Humilig siya sa balikat ko at ikinawit ko naman sa beywang niya ang kamay ko. “Parang tayong dalawa no'ng mga bata pa tayo," masayang sabi niya.
Kung sana puwedeng ganito na lang kami palagi. Kung sana maayos ang lahat siguro mas masaya kami ngayon. Kung sana wala na lang siyang sakit siguro hindi na ako mangangamba ng ganito.
Napapikit ako nang mariin, bakit kailangang maging ganito kasakit? Bakit kailangang ganito ang mangyari?
Noon, wala naman akong kinakatakutan na kahit ano sa buhay ko, not even death, pero ngayon… ang laki ng takot ko na mawala siya sa akin ulit at may posibilidad na hindi na siya bumalik pa.
Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko makakaya… Ngayon pa lang na iniisip ko ‘yon ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
“Lelou… Are you okay? B-bakit ka u-umiiyak?” nag-aalala niyang tanong sa akin. “Huy, ba-bakit ba?”
“A-ah, nothing. N-nakakaiyak lang kasi ‘yong p-pinapanuod natin,” dahilan ko sabay pahid sa luhang nasa aking mga mata.
“Huh? E-eh, wala namang nakakaiyak sa pinapanuod natin, ah?” Saka ko lang nabaling ang atensiyon ko sa screen. Tama siya, wala naman talagang nakakaiyak sa paghahabulan ng mga bida sa pelikula.
“Nakatingin ka kasi sa akin kaya kung anu-ano tuloy ang naiisip mo.”
Tama siya, naiisip ko siya lagi. Hindi ko maiwasan.
“You can’t blame me, you’re beautiful so, I want to keep my eyes on you,” sabi ko naman sabay ngiti.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tumitig sa akin.
“Hindi naman ako mawawala sa paningin mo, eh, hindi na ako aalis at hinding-hindi na kita iiwan, okay? Kaya ‘wag ka na mag-isip pa ng kung anu-ano,” diretsyong sabi niya at ngumiti.
Tumango lang ako saka ngumiti at pinagpatuloy na namin ang panonood. Alam kong nadadala siya sa bawat eksena dahil parang nananadya ang tadhana. Parang kami kasi ‘yong pinapanood namin.
Sa movie, ‘yong lalaki naman ang may sakit sa puso. Magkaibigan din sila mula pagkabata at sila ang magkasama hanggang sa lumaki sila. Bata pa sila nang malaman nilang hindi na aabot ng twenty years old 'yong lalaki at mamamatay na ito pero kahit gano'n, hindi sila natakot na mahalin ang isa’t-isa.
Masakit. Masakit malaman kung kailan posibleng mawala sa iyo ang taong mahal mo. Parang gusto mo na lang pahintuin ang pag-ikot ng mundo o kaya’y pabagalin ang oras at araw na magkasama kayo.
Pero paano nga ba? Ano nga ba ang magagawa ko sa ngayon?
Ang mahalin at pasayahin siya habang magkasama kami, ‘yon lang ang maibibigay ko sa kanya…
Kung may magagawa lang sana ako, gagawin ko para lang mabuhay siya.
“Yassie…” nabalik lang ako sa diwa ko nang makita kong umiiyak siya.
“N-nakakalungkot. N-nakakaawa naman ‘yong babae, n-nagpakasal pa rin siya roon sa lalaki kahit na abo na lang ‘yon… B-bakit kasi kailangan pa niyang m-mamamatay? Bakit kailangang maging masakit at s-sad ending kung puwede namang maging happily ever after ang story nila?” Umiiyak pa rin siya.
“Kung ako ang writer niyan? Bubuhayin ko ‘yong lalaki para maging masaya sila, 'di ba? Hayaan mo, pag nakita ko ang writer niyan, babatukan ko siya ng malakas dahil pinaiyak ka niya," biro ko.
“As if namang magagawa mo ‘yon, 'no!” Hinampas niya ko ng mahina, sabay tawa niya. Napatawa na rin ako sa kanya.
Lord, I want to hear her laugh forever… I don’t want to lose her. Hindi ko makakaya.
“Tara na nga, natutulala ka na naman sa kagandahan ko, eh,” aya niya.
Pagkatapos naming manood ay umuwi na kami agad sa hospital, kailangan niya rin kasing magpahinga agad para sa operasyon niya. Gabi na ng ayain ko siya sa likod ng hospital.
“Huy, ang dilim dito! Bakit ba kasi kung kailan gabi saka mo naisipang pumunta rito? Tanong niya pero hindi ako sumagot. “Huy, ano ba? Bakit ba tayo nandito?” tanong niya ulit.
“Para… makita mo ito ng mas maganda.” Pagkasabi ko no'n ay nagsimulang magbukas ang mga ilaw na nakapalibot sa buong garden. Dahan-dahan 'yong umiilaw na para bang naglalakad ang liwanag papunta sa amin.
“A-ang ganda!” manghang-manghang sabi niya. "Wow!"
“For you!” inabot ko sa kanya ang isang punpon ng gumamela. “Still remember this?” tanong ko.
“Oo naman. Favorite flower ko na ito dahil sa iyo. Sa tuwing nakikita ko ang bulaklak na ito, ikaw ang naaalala ko. Thank you. Thank you, Lelou! You made me so happy today. Impressive, Mr. Perez!” ngumiti siya.
“May I have this dance with you?” nagulat siya ng ilahad ko ang kamay ko.
“L-lelou.” Hindi siya makapaniwala, nakita ko ‘yon sa ekspresyon niya. Alam kong first time niya ito, I really hope that it will not be the last.
Inabot niya ang kamay niya sa akin, inilagay ko ‘yon sa balikat ko at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa beywang niya saka kami sumayaw.
“I’m not expecting this to you. Ikaw talaga! But anyway, thank you," sabi niya. Niyakap ko na siya but still we’re dancing together.
“I love you, Sisi. Don’t forget that okay? I will never ever leave you.” Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya at yumakap din siya. “So... please, hold on for me. Don’t think about the operation, just think of your parents and t-think of me. T-Think of you and me together. And I know, magiging okay din ang lahat,” nangigilid na ang mga luha ko at unti-unti na ring nababasag ang boses ko.
Tango lang siya nang tango at kahit hindi ko siya tingnan, alam kong parehas kami ng nararamdaman ng mga sandaling ‘yon. Parehas kaming natatakot na mawalay sa isa’t-isa.
“A-alam mo, madrama ka na ata ngayon. Tapos, ang iyakin mo pa. Tsk! Para tuloy hindi na ikaw si Lelouch na aastig-astig na nakilala ko. Nababakla ka na ba? Kung gano'n, ang pogi mo naman pong bakla!” sabay tawa niya ng mahina. Pinipilit niyang magpatawa.
“Luka-luka ka talaga!" bulong ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang pisngi ko, ang mga mata ko, ilong ko at ang labi ko.
“I want to memorize every single detail of your face kahit… hindi ko naman na talaga ‘yan makakalimutan. Gusto ko lang makasigurado... makasigurado na… n-na hindi ka mawawala sa paningin ko kahit pumikit pa ako," hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.
“I’m always here for you, hinding-hindi kita iiwan, so promise me…n-now," garalgal na ang boses ko at nararamdaman ko na rin ang panginginig ko habang hawak ang kamay niya. “Y-you won’t leave me too… Y-you won’t die. Promise me, y-you’ll gonna make it and y-you’ll stay with me forever… S-sisi… Promise m-me.” Yumuko na ako at sabay-sabay na nahulog ang mga patak ng luha ko, hindi ko mapigilan.
I can’t believe I’m crying too much like this. Ang sakit, ang sakit-sakit ng pakiramdam ko ng sandaling ‘yon. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko.
Tumigin akong muli sa kanya, katulad ko nakita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman ko. Katulad ko, natatakot din siya.
“I-I promise, I-I will never… ever l-leave you again, Lelou.” Niyakap niya ako at napayakap na rin ako sa kanya.
“I love you, Sisi.”
“I love you, Lulu.” At pinahid niya ang mga luha ko.
Sabay kaming napatingin sa langit, may dumaang shooting star. Alam kong pumikit siya at humiling kaya ginawa ko rin ‘yon. Magkahawak kami ng kamay habang nakapikit at nakatingala sa langit.
“Hiniling ko na sana, makasama pa kita,” sabi niya. “Ano naman hiniling mo?” tanong niya sa akin.
“Ikaw… Ikaw lang, Sisi,” sagot ko. Dahil siya lang ang gusto ko.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at unti-unting inilapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit siya at pumikit din ako then I kissed her like there’s no tomorrow.
Lord, ibalato Ninyo na po siya sa akin. I will do anything just to make her stay. Promise, I’ll be a better person. Gagawin ko ang lahat, kahit ano pong kapalit. Just make her live… please…
---
Dandandandan! 2 chapters left at magtatapos na po! Sana po ay naiyak kayo. Charot! Sana po ay nagustuhan niyo ito. Huwag niyo po kalimutang mag-comment para sa mga feels niyo po.
Please, follow me po at basahin niyo rin po ang iba ko pang stories! Thank you po sa inyo at God bless!