Chapter 26: PLAY INNOCENT "So, ano nga'ng nangyari?" Narinig kong tanong ni Sydney ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kung hindi sa strawberry cake na inilapag niya sa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nandito kaming tatlo nina Sydney at Mia ngayon sa Aisha's Café. Nang matapos ang klase namin ay dito agad kami dumeritso. Naisipan kong bisitahin ang shop ni Mama dahil sa tagal na din na hindi ako nakakabisita dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalumitan ang naging reaksyon nina Sydney at Mia nang sabihin ko sa kanilang ipinakilala ako ni David sa nanay at kapatid niya. Ilang beses pa akong paulit-ulit tinanong ni Mia na parang hindi niya agad na-process ang sinabi ko. "Aisha..." Sydney called for my attention. "Ha? Ahm, okay naman," sagot ko at inilapit sa akin an

