Chapter 23: SCAMMED I was rushing out of the room when I escaped from my blockmates. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko na sila nilingon. Next week na kasi ang foundation day namin at ako ang kinukuha nilang muse para mag-represent ng Education Department. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako kinukuha palagi para sa mga ganyan. Last year din ay ako ang intinuro ng mga kaklase ko ngunit tinanggihan ko din dahil bukod sa wala akong pera, wala talaga akong interes sa mga ganyan. Pagpunta ko sa cafeteria ay naabutan ko sina Sydney at Mia na nagsisimula nang kumain doon. Kahit nasa malayo ako ay rinig na rinig ko na agad ang boses ni Mia, kahit kasi maliit na babae siya ay napakatinis naman ng boses. Bumaling ako kay Sydney na nakangisi kay Mia. Mukhang may ikinikuw

