"Saan ba talaga tayo pupunta, Liam? Akala ko ba pupuntahan natin si Ana? Sabi ni tatay nakakulong siya. Hindi naman ito ang daan patungong presinto, eh." Hindi na mabilang ni Liam kung pang-ilang tanong na iyon ng dalaga. "Hindi sa presinto nakakulong si Ana," maikling sagot niya. Hindi na ulit nagtanong si Celine na ikinatuwa ni Liam. Kanina pa siya pinagpapawisan sa maaaring maging reaksyon ng dalaga pero pinapakalma niya lang ang sarili. Pilit niyang kinukombinse na hindi magbabago ang pagtingin ng dalaga sa kanya kahit na malaman nito ang ginawa niya kay Ana. "We're here." Naguguluhan niyang tiningnan ni Celine si Liam. "Hindi naman 'to presinto, eh..." tinuro ni Celine ang building kung saan sila pumarada. "Mental hospital naman 'to. Papaanong nandito si Ana?" Liam glance at C

