Chapter 02

1884 Words
Maagang nagising si Celine kinabukasan. Naghanda siya ng agahan at baon ng kanyang tatay Enan. Alas-kwatro palang ay dilat na ang kanyang mata dahil nagigising nalang siya na parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Hindi din naman siya dinadalaw ng antok kaya naghahanda nalang siya ng agahan nila at pwedeng baonin ng kanyang tatay sa trabaho. "Bakit ang aga mo laging magising?" Nginitian ni Celine ang kanyang tatay na kagigising lang. "Naduduwal po ako, eh. Morning sickness." Sagot niya. Celine and her taty Enan lives in a simple yet warmth home. Sila lang dalawa ang magkatuwang sa buhay. Ang kwento ng tatay niya ay solong anak daw siya kaya walang ibang kamag-anak sila. Pati din ang nanay niya, solo na anak. Celine didn't grow with a mother figure. Pumanaw kasi ang nanay niya noong araw din mismo kung kailan siya ipinanganak. It was a tragic day for her tatay. Kaya minsan lang niya e-celebrate ang birthday niya. Actually, isang beses lang niya esinelabrate ang birthday niya. It was on her debut. 'Yun lang. Parang normal na araw lang iyon para sa kanya. Or most likely, sa sementeryo sila ng tatay para samahan ang inang namayapa. "Nasabi sa akin ni Nena na ginugulo kana naman nina Jenna. Totoo ba 'yun?" Inilapag niya sa mesa ang kape na tinimpla niya para sa tatay. "Wala naman bago dun, Tay. Hayaan mo nalang po. Totoo din naman ang mga sinasabi nila, eh." "Ilang beses ko bang sinabi na hindi ka ganon babae." Pangaral ng tatay. "Sabihin na natin na maaga kang nabuntis pero hindi naman ibig sabihin non eh, hanggang diyan ka nalang. Alam ko na marami kang pangarap sa buhay. Pwede mo pa naman abutin lahat ng iyon kahit may anak kana. Hindi ka sayang, anak. Iyan ang tatandaan mo." Nilapitan ni Celine ang tatay saka yumakap dito ng mahigpit. She's very lucky to have an understanding and loving tatay. "Sorry po Tay kung nagdagdag pa ako ng pabigat sayo. Sorry po dahil kailangan niyong magtrabaho ng doble ngayon. Sorry po kung hindi ko pa natutupad lahat ng pangarap mo para sa akin. Sorry po dahil maaga akong nabuntis." Iyak niya sa bisig ng ama. "Sorry po, Tatay.... Sorry po... Sorry..." Inalo naman kaagad ni Enan ang anak. Ayaw na ayaw niyang nakikita ang anak na umiiyak. Nangako pa naman siya sa yumaong asawa na gagawin niya ang lahat para lang maging maayos ang buhay ng kanilang nag-iisang anak. Ngayon na nakikita niya na umiiyak ito mismo sa kanya parang nagkapiraso-piraso ang puso niya. "Shh," alo niya sa anak. "Tahan na, 'nak. Huwag kanang umiyak. Baka ma pano kapa. Tahan na. Tahan na. Sige ka... Magiging iyakin din ang magiging apo ko niyan." Biro niya para gumaan ang loob ng anak saka sumeryoso. "Hindi naman diba nagrereklamo ang tatay? Hindi naman ikaw pabigat tulad ng akala mo sa sarili mo. Mas okay nga na dito kana pumermi sa probinsya kaysa doon sa manila, eh. Mas maaalagaan kita dito. Hindi na ako masyadong mag-aalala." Tumahan na ang dalaga sa pag-iyak pero umaalog pa din ang braso nito at nakayakap pa din sa ama. "P-pasensya na po, 'Tay..." Celine was having a hiccups because of crying. "Babawi po ako sayo. Promise po 'yan." Naramdaman ni Celine ang paghalik ng kanyang tatay sa tuktok ng ulo niya kaya mas hinigpitan niya pa ang pagyakap dito. "Huwag mo na muna isipin ang pagbawi sa akin. Unahin mo muna ang apo ko. Ang magiging anak mo. Ayos pa naman ang tatay." Enan said. "Kaya pa naman ni tatay mo ang magtrabaho. Alagaan mo lang ng maayos ang apo ko, masaya na ako 'dun." "Mahal kita, Tay. Kayong dalawa ni Nanay." Enan laughed in harmonius way. "Mahal ka din namin ng nanay mo. Tandaan mo 'yan. Nagiging iyakin kana ngayon. Hindi ka naman ganyan dati." Pinahid ni Celine ang luha saka tumawa at kumalas sa yakap, "pansin ko din po. Siguro dahil na ito sa pagbubuntis ko. Magiging mas emosyonal kasi ang mga buntis." "Ganyan din dati ng pinagbuntis ka ni Celeste." Enan smile warmly as he reminisce the momery his beloved wife. "Palaging umiiyak kapag hindi ako nakikita pero inis na inis naman at palagi akong inaaway kapag nasa tabi niya ako." Humalakhak siya. "Minsan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng nanay mo. Pero mahal na mahal ko 'yun kahit na may toyo palagi." Medyo hininaan pa niya ang huling sinabi na para bang ayaw nitong marinig ng yumaong asawa. Celine also laugh together with her tatay, "mabuti nga po at nakayanan niya ang ugali ni Nanay." "Aba malamang! Asawa ko siya at mahal ko." Her dad has this proud smile plastered on his lips. "Ako lang talaga nakakaintindi 'don. Kaya nga ako ang pinakasalan sa daming lalaki ang nagkakagusto sa nanay mo. Pero hindi ko din naman masisisi ang nanay mo. Sa gwapo kong 'to? Hindi na lugi ang nanay mo." Enan was jokingly boasting to make his daughter calm. "Andyan na naman kahanginan mo, 'tay." Biro niya. Tumawa lang ang ama. "Nga pala. Sino ang kasama mo pumunta sa plasa mamaya? Ngayon ang prenatal check up mo diba?" Their baranggay has this session where they made their plasa as mini clinic to check up pregnant woman and sick people in their baranggay. Plataporma iyon ng mayor nila at libre lahat. Kahit mga gamot at vitamins, libre. "Si tamtam po, 'Tay. Sasamahan niya daw po ako mamaya. Wala naman daw siyang pasok at ililibre niya din ako ng taho mamaya." "Nauto mo naman ang bata." Naiiling ang ama habang humihigop ng kape. "Bumalik kana sa pagtulog mo at alas-singko palang. Gigisingin nalang kita mamaya pag-alis ko." "Sige po." Nagpaalam na din si Celine sa ama dahil nakaramdam na din siya ng antok. Ganon siya palagi kapag nagiging siya ng maaga. Naghahanda muna siya ng agahan at baon ng tatay niya tapos matutulog ulit katapos. That's her routine since she got pregnant. Naramdaman nalang ulit ni Celine na parang may humahaplos ng marahan sa buhok niya. "Ate Beng, do you wanna play the snowman." Ani ng boses na humahaplos sa ulo niya. Naramdaman din niyang tumabi ito sa paghiga sa kama niya. "Wake up! Wake up! The sun's awake so, we have to play." Natawa ng kunti ang dalaga. "Ikaw ba 'yan Ana? Ang aga mong mambulabog, Tam." Naghikab si Celine saka yinakap ang katabi. "Alas-nueve na kaya ate, beng. Anong maaga ka diyan." Istriktong sabi nito. Napabalikwas siya ng bangon. "Bakit ngayon mo lang ako ginising, Tam!" Mabilis ngunit maingat siyang bumangon sa higaan at lumabas. "Ang baon ni tatay baka nakalimutan na naman niya." "Kanina pa po umalis ang pudrakels mo, Ate Beng." Pakembot-kembot na itong umupo sa silya nila sa kusina at umakto na parang bakla dahilan para matawa siya. "Kanina ka pa nga ginigising ni tatay Enan pero hindi ka naman bumabangon kaya tinawag niya po ako." "Bagay sayo maging binabae, Tam. Try mo kaya." Tamtam grimace after hearing what his Ate Beng said. "Hindi naman po ako kontra sa pagiging bading po, pero lalaki ako ate. May crush na nga ako, eh. Si Samantha." "Yung anak ni ate Sanya?" Celine curiously ask Tamtam and he immediately responded with a nod. "Mas lalaki pa nga iyon kaysa sayo. Bakit siya?" "Ang tapang niya kasi Ate at ang ganda-ganda pa!" Tili ni Tamtam na parang kinikilig. "Sinuntok niya si Benten sa school kasi may inaway siya na ka-clase namin tapos pinagtanggol ni Samantha ang ka-clase namin. Simula noon naging crush ko na siya!" Naiiling na natatawa si Celine dahil kinikilig talaga si Tamtam habang nagku-kwento ito. Nag-almusal nalang si Celine. Nakahanda naman na ang pagkain sa hapag. Sinaluhan din siya ng bata. Matapos siyang kumain ang niligpit niya muna ang pinagkainan at hinugasan. Tapos, naligo na siya at nagbihis. Nilakad lang nila ang plasa kasi malapit lang naman iyon sa bahay nila. Mga sampung minuto lang ay narating na nila ang plasa. Marami na ang nandoon at nakapila pero hindi sa pre-natal na linya. Dalawa kasi ang pila na naroon; para sa pre-natal at libreng check-up. Pang-apat siya sa pila. May designated seats naman na naroon para sa mga buntis kaya umupo na siya. "Ate Beng dito ka lang muna ha." Bilin ni Tamtam sa kanya na parang batang sinasabihan. "Bibili lang ako ng taho, ha. Huwag malikot. Pumirme kalang dito." Mahina pang natawa si Celine sa paalala nito. Parang si tatay lang kung magbilin sa kanya. "Opo, Tay, dito lang ako." Biro niya. "Pakibilisan nalang po." Umalis na si Tamtam para bumili ng taho habang siya ay naiwan naman sa upuan. Sa lahat ng nakapila na buntis ay siya ang pinakabata. Celine suddenly felt shy because of it. Sinipat kasi siya ng mga katabi. She felt conscious and uncomfortable, then guilt creeps against her. Hindi niya minsan maiwasan ang magkonsensya dahil sa maagang pagbubuntis. Hindi nalang niya pinansin ang mga mapanghusgang mata na nakatingin sa kanya. Celine knows what is going on their minds. They're judging her. Alam niyang hinuhushagan siya basi sa mga titig nila sa kanya. Tahimik lang siya sa upuan. Wala siyang kakilala kaya pinalaruan nalang niya ang kuko. It's her mannerism whenever she felt anxious and bothered. She played with her nails. "Alam niyo bang may bagong itinatayo na Supermarket dito sa bayan?" Tanong ng isang buntis sa katabi nito. "Oo," sang-ayon ng isa. "Nabalitan ko kahapon." "Bata pa daw ang may-ari niyan. At higit sa lahat gwapo daw at single!" Tili ng buntis na nasa unahan niya. Umirap sa ere si Celine at bumulong para hindi marinig ng nasa unahan niya. "Kung makatili akala mo walang asawa." "Ay, Oo!" Tili din ng isa. "Nakita ko kahapon yung may-ari na binisita ang site. Ang gwapo talaga! Malaki ang katawan! Makisig! At sobrang bango!" Para naman naging kiti-kiti ang tatlong buntis na nasa unahan ng pila kaya sinaway sila ng nurse malapit doon. Kung kiligin ang mga ito akala mo naman single at walang mga asawa. "Ito na ang taho mo, Ate Beng." Hinihingal na sabi ni Tamtam sabay abot ng taho sa kanya. "Ang dami kasing bumili kaya natagalan ako." Agad naman niyang tinikman ang taho. And instantly the taste blasted in her entire mouth. Celine savor it all. Ang sarap. OG's really never gets old. Tinapik niya ang hita. "Upo ka muna dito para hindi kana hingalin." Umiling ang bata saka kinuha ang upuan sa likod at tumabi sa kanya. "Mabigat ako baka maipit pa ang baby girl mo." "Baby boy, 'to." Tinuro niya ang tiyan. "Hindi po. Baby girl 'yan. Tapos kamukha mo." Argumento ni Tamtam. "Lalaki nga sabi," giit niya. "Babae po. Final." Pilit din ni Tamtam. "Ikaw ba ang nanay?" Mataray niyang sabi. "Ikaw ba ang buntis?" "Hindi," palaban din na ani ng bata. "Pero babae pa rin ang baby mo." Patuloy na nagtalo ang dalawa sa kung anong kasarian ang pinagbubuntis ng dalaga. The two were having a friendly battle against each other while eating taho. None of them is backing down. They both opposed each others opinion and stand in their notion. The two only stop when they both heard a news that sends shivers through Celine. Her body froze and fear eat her whole being. She went pale and anxious. Muntik pa siyang mahimatay dahil doon. "Celine! Celine! Ang tatay mo nasagasaan! Sinugod sa hospital!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD