Experience Love 6: Eh Kasi Bata.

664 Words
Sabi ni mama ang Love daw po ay para sa isang Babae at isang Lalake. Kailangan daw ng Love para magka-Baby. Hindi daw kasi mabubuo ang mga baby kung hindi babae at lalake. "Pwede po bang bumili ng baby sa grocery store?" Tanong ko kay mommy. "Ay, anak, hindi pwede yun. Binibigay sila ni Papa Jesus." "Pwede po bang humingi ako?" "Hahaha! Ito talagang anak ko. Hindi pwede nak, Baby ka pa eh." 5 years old na ako, di na ako baby. Hmp! Ako nga po pala si Andy. I live in San Fernando, Pampanga. I want to be a Like my kuya when i grow up. Idol ko po si kuya eh. Pati si Kuya Peter. Si Kuya Peter yung bestfriend ng kuya ko. Mabait yun at gwapo pa. Sabi nga nung kalaro kong si isay crush niya si kuya jocas eh. Pero sabi ko di pwede kasi Bestfriend sila ni Kuya Gene. ... "Kuya palaro ako sa cellphone mo. Please! Promise di ako makekealam ng iba, Temple Run lang." "Osige. Pero kapag tumunog ibigay mo kaagad sa akin ah, kakain lang ako sa kusina." Paborito ko ang Temple Run. Lagi ko nilalaro sa cellphone ni kuya ito eh. Lagi- "Ay, may nagtext. Si kuya Peter pala." Basahin ko na, si kuya peter namaneh. "Ba-by Kita ta-tayo sa dati ah, I L-love You." "Bakit mo binabasa yan?! Akin na nga yan Andy!" "Si Kuya Peter naman eh!" Hindi na sumagot si kuya. Binasa niya yung text ni kuya peter tapos biglang nanlaki yung mata niya. "Wag mo pagsasabi kahit kanino yung nabasa mo ah?" "Opo. Wag ka na magalit kuya." "Hindi ako magagalit basta wag mo ipagsasabi yun ah. Secret yun." "Opo." Diba sabi ni Mommy na ang love sa Babae at Lalaki? Si kuya peter at kuya gene parehong lalake pero sinabihan ng i love you ni kuya peter si kuya gene. Bakit kaya? Noong isang araw wala si mommy at daddy, nagpunta sila sa malayo. Sa amin natulog si Kuya Peter. Ang saya ko nga noon eh, maghapon kaming naglalaro ng Xbox. Tapos andami pang dalang pagkain at ice cream ni kuya peter. Naiihi ako nun tapos napadaan ako sa kwarto ni kuya gene. May ingay at tawanan sa loob. Parang kinikiliti si kuya gene. Medyo nakabukas ang pinto kaya sumilip ako. Nakita ko si kuya peter walang tshirt. Tapos nasa itaas siya ni kuya, parang nag wrewrestling. Nakakatawa nga sila tiganan eh kasi hinahalikan ni kuya peter si kuya gene tapos magtatawanan sila. Kaya siguro love ni kuya peter si kuya gene kasi lagi nilang ginagawa yun pag wala sina mommy. Minsan nakasara yung pinto ng kwarto ni kuya gene kaya di ko nakikita. Pero isang araw di na umuwi si kuya sa bahay. Sabi ni mommy umalis na daw siya kasama si kuya peter. Tinanong ko si momy bakit kailangan nila umalis kung pwede naman sila dito. Sabi naman ni mommy hindi sila pwede sa bahay namin kasi makasalanan sila. Umiiyak ako lagi kasi namimiss ko si kuya gene. Matagal ko na siya di nakikita. Huli ko siyang nakita nung kinuha niya ang natitira niyang mga gamit sa bahay namin. Tinanong ko siya kung bakit di na siya umuuwi, ang sagot lang niya ay di na siya pwede dito. Galit sakanya sina mommy kasi Mahal niya si Kuya Peter. "Ako kuya hindi ako galit. Mahal ko kayo ni kuya peter eh." Pero umalis pa din si kuya. Galit si mommy kay kuya dahil mahal niya si kuya peter. Masama ba sa lalaki ang magmahal ng lalaki? Akala ko kasi ang love ay galing kay Papa Jesus kaya pwede sa lahat. Sana bumalik na si kuya. Namimiss mo na siya eh. Namimiss ko na din si kuya peter. Sana hindi na magalit si mommy kay kuya. Sana hindi na siya magalit sa Mga lalaking nagmamahal ng lalaki. Kung masama ang halikan ni kuya si kuya peter, edi masama na din ako? Hinalikan ako nung kalaro ko eh. Hinalikan ako ni Tisoy. ... It's a very short story. For me it's more like a Diary Entry. Abangan niyo po ang Ibang stories ko sa Book na Ito para Maexperience natin ang Love. Nakarelate ba? Comment na! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD