NAGING panauhing pandangal sina Lawrence at Raven ng eskwelahan dahil sa pagtatapos ng mga high school student. Masayang masaya si Mila dahil nakita niya ulit si Raven. Pero napalitan ng lungkot. Nang makita niyang unang binati nito ang bestfriend niya. Ni hindi man lang siya nakikita nito.
Hinayaan niya munang tanawin sila. Kahit sobrang selos na selos na siya. Nang hindi nakatiis ay nilapitan niya si Dina para batiin. Hindi naman puwedeng hindi niya babatiin ito.
"Best, congrats sayo!" masayang masaya na bati ni Dina kay Mila habang nasa likod niya sina Lawrence at Raven.
"Congrats din sayo, best!" nakangiting bati din ni Mila at niyakap ang kaibigan. Napansin ni Mila ang bulaklak na binigay ni Raven kay Dina, pati na ang regalo ni Lawrence para sa kaibigan. Narinig din niyang pupunta sina Lawrence at Raven sa bahay ng kaibigang si Dina.
Noong matapos ang graduation ay niyaya na ni Mila ang Papa at Mama niya na mauna ng umuwi kina Dina dahil alam niya na pupunta si Raven sa bahay nina Dina. Ayaw niya lang itong makita.
Nagkaroon ng konting salo salo sa bahay nila Mila. Kompleto ang buong pamilya nila, kasama ang mga kapatid niya. Lahat sila ay inaantay siyang mabati sa kanyang pagtatapos.
Masayang masaya ang Papa at Mama ni Mila dahil naka-graduate na ng high school ang kanilang bunsong si Mila. Pero natanawan ni Papa Mencio si Mila na malalim ang iniisip.
"Anak, malungkot ka? May sakit ka ba?" tanong ng Papa ni Mila.
"Wala po ito Papa. Bakit niyo naman po na tanong iyan?" balik ba tanong ni Mila sa ama.
"Kanina pa kasi kita napapansin doon sa eskwelahan. Ngumingiti ka at tumatawa pero wala sa loob." paliwanag ng ama.
"Papa, naman kung ano anong nakikita niyo," saway nito sa ama.
"Anak, dalaga ka na nga. 'Yong prinsesa namin nagmamature na. Parang hindi ko ata kaya anak na wala ka sa amin. Alam mo naman na matgal naming hiniling sa Diyos na mgkaroon ng anak na babae. At binigay ka nga sa amin ng Mama," naiiyak na sabi nito sa anak. Naiiyak naman na lumingon si Mila sa Papa niya.
"Mahal na mahal ko po kayo Papa kayo nila Mama at nila Kuya," umiiyak na sabi nito at niyakap ang Ama.
Hindi niya talaga kayang magsinungaling ng nararamdaman sa Papa niya. Kayang magsinungaling ni Mila sa salita pero hindi kayang magsinungaling ang kanyang mga mata.
Napansin ng mga kapatid ni Mila na nag iiyakan sina Mila at ang Papa nila. Kaya nilapitan nila ito at umakbay si Mel kay Mila.
"Group hug!" bulyaw ni Mel ay dali dali namang nagsiyakapan silang buong pamilya.
"Ang hirap naman magsinungaling ng nararamdaman parang hindi ako," nawika ni Mila sa loob loob niya habang pinagmamasdan ang pamilya niya na masaya. Nasasaktan si Mila dahil sa gusto ni Raven ang kaibigan niya.
Gumising ng umaga si Mila na matamlay. Ayaw makisama ng puso niya. Gusto niyang simulan ang araw na ito na masaya. Pero kabaliktaran ang nangyari. Malungkot ang umaga niya.
"Burahin mo muna si Raven sa isip mo," nawika ni Mila sa sarili sabay himas sa sentido. Bumangon na siya at pumunta sa banyo para maligo. Pupuntahan niya si Dina gusto niyang makipagkwentuhan sa kaibigan. Pero hindi pa rin niya sasabihin kay Dina ang nararamdaman para kay Raven. Pagkatapos maligo ay kumain muna siya ng almusal at pagkatapos ay dumiretso kina Dina.
"Best!" masiglang tawag ni Dina. Yumakap naman si Mila kay Dina.
"Anong nangyari kagabi?" usisang tanong ni Mila. Gusto niya lang malaman ang mga naging ganap nina Lawrence at Raven pagkatapos ng graduation nila ni Dina dahil alam niya na sumama sina Lawrence at Raven sa bahay nina Dina.
Nakakainggit ang kaibigan niya na dalawang lalaki ang nagpapakita ng interes dito. Pareho pang guwapo at mayayaman. Hindi kasi siya ipinanganak na maganda, kagaya ni Dina. Sana'y napapansin siya ni Raven.
"Hindi ka maniniwala, best! Si Raven nagpaalam kay Nanay na aakyat ng ligaw sa akin," masayang kuwentong sabi ni Dina. Para namang nabigla si Mila sa narinig mismo kay Dina. Pinipigil niya na tumulo ang mga luha niya sa mata kaya peke siyang ngumiti sa kaibigan.
"Masaya ako para sayo. Mabait naman si Engr. Raven." Subalit, sa loob loob niya ay nasasaktan siya. Napatalikod siya para punasan ang takas niyang luha. At pagkatapos ay nakangiting humarap kay Dina.
"Salamat, best. Kaya lang parang ayaw ko munang magboyfriend," sabi ni Dina.
"Bakit naman?" tanong ni Mila.
"Basta," tipid na sagot ni Dina. Tumayo naman si Mila dahil hindi na niya kayang pigilan ang pagbagsak pa ng mga luha sa kanyang mata.
"Best, uwi muna ako. May inuutos pala si Mama," pagsisinungaling na sabi niya. Kailangan na niyang makalayo kay Dina. Dahil makikita nito ang pagluha niya. At baka masabi ni Mila ang nararamdaman para kay Raven. Sobrang nasasaktan siya. Ang lalaking gusto ay gusto ang bestfriend niya.
Nagtataka na sinusundan ng tingin ni Dina ang kaibigan na nagmamadali na umuwi sa kanila.
Pagkauwi sa bahay, si Mila ay dire diretso siya sa kuwarto at pabagsak na humiga padapa. Doon na siya humagulgol ng iyak dahil doon walang makakita ng mga pag iyak niya. Panay ang pagbagsak ng rumaragasang luha sa kanyang mata.
"Ganito pala ang magmahal. Masasaktan ka ng hindi sinasadya," umiiyak nasabi ni Mila sa sarili.
Ngayon niya na pagtanto na masakit pala magmahal ng taong hindi kayang mahalin pabalik. 'Yon lang hindi naman alam ni Raven ang feelings ni Mila para sa binata.
Mugto na ang mga mata ni Mila sa ilang oras na pag iyak. Ayaw na muna niyang lumabas ng kwarto niya dahil baka mapansin ng mga magulang niya ang mga mata niya. Kaya pinili niyang magkulong na muna sa kwarto niya. Baka pag nakita nilang mugto ang mga mata niya masabi pa niya na nagmamahal na siya at makantiwan pa siya ng mga kapatid niya na lalaki.
Hindi naman batid sa Mama at Papa ni Mila na may nararamdaman na kakaiba sa bunso nila. Hindi ito lumabas para kumain sa halip ay nagkulong ito maghapon sa kwarto nito. Nag aalala man ay hinayaan na lang nila muna si Mila na mapag isa.