PRECIOUS ANGEL Lumipas ang maghapon na walang Drake ang nangulit sa akin. Kaya naman talagang nanibago ako sa kanya. Na-miss ko tuloy ang pangungulit niya sa akin kahit abala ako sa pagtuturo ko sa aking mga estudyante at palihim akong nakikipag usap sa kanya sa tuwing nasa tabi ko si tita. Walang buhay na pumangalumbaba ako sa akin table at napatitig sa mga batang tinuturuan ko. Noon, masaya ako at walang gumugulo sa isip ko para maging hadlang na makapagturo ako ng maayos. Pero simula ng bumalik sa buhay ko si Drake. Nagulo na ang lahat… Apektado na ako, ang buhay ko, pati sa aking pagtuturo ay wala na rin ako sa tamang wisyo. Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko naman ang lahat. Hindi ko magawang ipagtapat kay tita na kasal na kaming dalawa. At kitang kita ko sa mukha niya ang pait

