PRECIOUS ANGEL Agad na hiniga ako ni Drake sa ibabaw ng kama na ang mga mata ay tila nag-aapoy sa galit. Sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya at ramdam kong sa uri ng paninitig niya sa akin ay puno siya ng galit sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya nang hubarin niya ang suot na pang itaas at itapon iyon sa lapag. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas at nanunuyo ang aking lalamunan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong ang suot na sinturon naman ang kinalas niya sa bewang ‘tsaka ang pagkaka-butones ng pantalon. Narinig ko pa ang tunog ng i-unzipped niya ang zipper ng pantalon niya. Bumagsak iyon sa paanan niya kaya lalong rumagasa ang kaba at malakas na kabog ng aking puso. “Mama, Papa, ano ba ‘tong pinasok ko? Tulungan n’yo po ako!

