Inabot na nang crew ang pagkain na order nito. At binigay ito ni sir Draden kay Axel. Kaagad namang kinain ito nang anak ko. Halatang gutom na nga siya at halos maubos niya ang tatlong order. At ako naman ay wala pa ring gana kumain. Sabi nang doctor, normal lang naman raw ito at huwag akong mabahala. Dahil nasa stage pa ako nang paglilihi at maselan rin ang ipinag bubuntis ko. "Anong gusto mong kainin hon?" bulong nito. "Wala naman hon. Uwi na lang tayo pagod na ako." sagot ko. "Ah! okay ako ba, gusto mo?" pagbibiro nito. Kaya pasimple ko siyang siniko. "Aray! hon! Ang amazona mo talaga," natatawang sambit nito. "Buti nga sayo, puro ka kasi kamanyakan eh!" bulong ko. Sinasadya kung hinaan ang boses ko, dahil nakakahiya kapag narinig niya kami lalo na ang pinagsasabi nang isang 'to

