"Patay na siya. Alhea is dead." wika ni Aunt Helga. Hindi ko akalain na mamatay si Alhea. Kanina lang comatose pa ito. Pero hindi ko na lang inisip pa. "Condolences po." wika ko. Sabay off nang cellphone. Nagpatuloy na akong mag drive pabalik sa mag-iina ko. Medyo pagabi na pala at hindi ko namalayan ang oras kaya naman nag stop over muna ako sa isang restaurant para kumain at magpa full tank nang gas. Medyo malayo rin kasi ang ospital kung saan naka confined ang anak ko. Excited na akong mayakap siya at sabihing ako ang tunay niya daddy, na gusto niyang ipahanap sa'akin. At sabi ko pa nga habang wala ang daddy niya, pwede naman niya akong tawaging daddy. Hindi ko akalain na anak ko pala talaga siya akala ko noon ay imahinasyon ko lang at magka hawig lang kami talaga noong bata pa lan

