Two Months Later Simula nang umalis si Andrea Wala na kong balita pa rito. Ilang beses ko siyang pinahanap sa private investigator ko at maging ako ay naghanap na rin, Pero sabi nga nila ang taong ayaw mag pahanap ay mahirap hanapin. Kaya hahayaan ko na lang ang tadhana ang gumawa nang paraan kung para talaga kami sa isa't-isa. Alam kung sa mga panahong ito ay naisilang na rin niya ang baby Angela namin. Nakakalungkot lang akala ko pa naman mararanasan ko nang makita ang supling namin. Pero hindi man lang pinagkaloob nang panahon. "Buddy, ang tahimik mo. Tara iinom muna lang 'yan." tawag ni Draden. Invited nga pala ako sa gender reveal party nang baby nila ni Tanya. "Sige sunod na ako." wika ko. Nagpalinga linga ako sa paligid at umaasa akong pupunta siya. Alam ko naman 'di niya ma

