Nang makarating ako ng bahay, isinalampak ko kaagad ang aking sarili at dahil sa pagod nakalimutan ko nang mag text man lang kay Andrea. Kinabukasan nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Gusto ko pa sanang matulog kaso hindi na ako dinalaw ng atok kaya bumangon na rin ako at nag streching. Nag lakad ako patungong comfort room para maligo, hindi rin ako nag tagal roon at lumabas rin ako kaagad para mag bihis. Nang matapos ako saaking ginagawa sinukbit ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. Sakto namang nag ring ang cellphone ko at tumatawag ang secretary ko. Pinaalam niya saakin na kanina pa nag hihintay si Mr. Chua. Napatingin ako sa wristwach ko wala pa namang 10:00 a.m bakit ang aga nito. Nagmamadali akong lumabas ng bahay patungong garahe at sumakay ng aking sasakyan. Pinasibat

