Dahil na outside kulambo ako nang amazona, bumalik na lamang ako sakanila. Naabutan kung nakikipag habulan na si Axel kay Gina. Naku! naman ang anak ko nagpi feeling binata na. Hinagilap ko ang mag-asawa pero hindi ko sila makita kaya lumapit na lang ako kay Lolo Igme. "Lo, kamusta naman po kayo dito?" tanong ko. "Mabuti naman sir. Salamat talaga sa lahat lahat sir." sagot niya. "Walang anuman po. Bukas uuwi ko na po kayo," saad ko. "Sige sir. Siya nga pala maiba tayo, tanong ko lang huwag ka sana magalit. Kaya ka ba naghahanap nang buko, dahil naglilihi ang asawa mo?" tanong nito. Bigla akong napakamot at ngayon ko lang naalala. "Ay! opo! Mabuti pinaalala niyo po. Bukas po pag hatid namin sainyo pupunta kami roon." saad ko. Medyo makakalimutin na yata ako, kaya nga ako napadpad ri

