STEVENSON Nagising ako nang may ngiti saaking mga labi, sapagkat ang saya nang panaginip ko. Babangon na sana ako para mag bihis nang mapansin kung hindi ito ang kuwarto ko at mas lalong wala ako kanila Draeden. Sh*t napasabunot ako sa buhok ko nang makitang may babae akong katabi na nakatalikod. Anong ginawa ko, nasaan ako at bakit may babae akong katabi. Huwag naman sanang nag uwi ako nang babae, malalagot na talaga ako kay Andrea. Buong akala ko pa naman nanaginip ako, pero totoo pala lahat. Gusto kong gisingin ang babaeng katabi ko para malaman kung sino ba siya, at para mag sorry na rin. Lalapitan ko sana siya nang biglang tumagilid ito paharap saakin. Kahit nakatakip ang mukha nito ng kaniyang buhok, hindi ako puwedeng magkamali si Andrea siya at walang kaduda duda. Paanong nang

