"Tay... Okay lang po ba kayo?" Kanina pa nakaalis ang mga tauhan ni kano. Kano ang tawag ko sa kaniya dahil may lahi itong amerikano. Siya si Arthur Smith. Ang nagmamay-ari ng lupaing kanilang tinirahan. Pinamana sa kay kano, ang lupang ito ng dating amo ni Tatay bago ito mamatay. Buong akala ni Tatay mabait ito gaya ng ama pero hindi. Nagkautang si Tatay ng malaking halaga, na may kasamang interest na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin. Napilitang umutang si Tatay noon dahil sa akin. Paano naman kasi bigla siyang nagkasakit ng malubha at kailangan ng magagaling na doktor para gamotin ako noon. At sa Maynila lang ang matatagpuan ang magagaling na mga doktor. Nang panahong iyon nandiyan si Mr. Smith, nag-aalok ng tulong kay Tatay. Nang wala ng malalapitan si 'Tatay at dahil desperado

