Kabanata 19

1436 Words
"Ano ba iyang niluluto mo?" Naramdaman niya ang dalawang brasong nakayakap sa baywang niya. "Hmm, simpling almusal lang to. Saka gusto ko lang ipagluto ang Principe ko." Masiglang sabi niya dito. Nakapatong ang baba nito sa kaniyang balikat upang tingnan ang niluto niyang scrambled egg at tocino. Iyon lang kasi ang mayroon sa Ref. "Really? Sweet naman..." Sabay halik sa kaniyang batok. "Ay! Ano ba! May kiliti ako diyan." Sabay iwas niya dito. "Mabuti pa umupo ka diyan ipagtimpla kita ng kape. Ano ba gusto mo black or with cream?" Dagdag niya pa sasabihin. "Black coffee na lang. Thank you... " Kumawala ito sa kaniya ng yakap at naupo sa upuan na malapit sa kaniya. "Okay. Sandali lang alisin ko lang itong niluto baka kasi masunog." "Sige lang." Sa cellphone ito nakatingin. Narinig niyang tumunog ang cellphone nitong hawak. "Sino iyang katext mo?" Tanong niya. "Nothing..." Saglit lang siyang tiningnan at muling binalik ang paningin sa Cellphone nito. "Pwide ba akong tumawag kay Itay. Gusto ko lang makasigurong okay siya at nasa maayos na kalagayan." Malumanay na sabi niya kay Daryll. "Your father is safe, Rhe? You have nothing to worry about him." He said calmly. "May problema ba Daryll?" Nilapag niya ang isang tasang kape sa mesa. "Kinuha ni Arthur ang Nanay ko." "Ha?" "Yes. Pero bakit ganiyan ang reaksyon mo? Huwag kang mag-alala mababawi ko din ang Nanay ko. Wala kang dapat ikatakot. Okay?" "Baka kasi... Kung anong gawin niya sa Nanay mo." May takot sa kaniyang boses. "I know... Kilala ko si Arthur wala siyang puso at demonyong tao." "Ano kaya kung ibalik mona ako sa kaniya kapalit ng Nanay mo. Ako lang naman ang kailangan niya, eh?" "No! Sa tingin mo ba pag bumalik ka sa kaniya hindi ka niya pahihirapan at saktan ang Nanay ko. Nagkakamali ka Rheanna. Masahol pa sa demonyo ang taong iyon!" Medyo galit na sabi sa kaniya. "Pero---?" "Enough? Ako na bahala sa Nanay ko at wala kang pwideng gawin para makasira sa plano ko. Dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka aalis." Final nitong sabi sa kaniya. Hindi na siya kumibo pa. Wala din naman siyang magagawa at ayaw niya ng bumalik kay Arthur. Sa impyernong lugar na iyon. "Basta mag-iingat ka, Daryll... Ayaw ko may masamang mangyari sayo." Malumanay na sabi niya sa Binata. "Of course... Mag-iingat ako para sayo. Rheanna?" " I love you, Daryll? Ikaw na lang pag- asa kong makaahon sa akin. Makakatulong sa akin. Kapag may masamang mangyari sayo hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling nawala ka sa akin." "I love you, too... I won't lose you... No." "Promise?" "Yes, promise..." "Lumamig na kape mo inomin mo na iyan. Kukuha lang ako ng plato at kutsara para kakain na tayo." "Hmm... Wala akong gana." "Ha? Bakit?" Nalungkot kaagad si Rheanna ng ayaw kainin ang niluto niya. "Iba ang gusto kong kainin." Seryoso nakatingin sa kaniyang mukha. "Ano wala naman ibang nasa ref kundi iyan lang." Nakangusong sabi niya dito. "Joke lang... Ikaw naman tampo agad." "Niluluko mo naman ako, eh?" "Sarap mo kasing inisin lalong gumaganda sa paningin ko." Sabay kindat sa kaniya ni Daryll. "Tsk! Tsk!" "Eat! Ah?" Pinapabuka ang kaniyang bibig para isubo ang isang hotdog. "Kunti lang baka mabolunan ako niyan?" "Mas malaki pa ang hotdog ko dito. But you managed to swallow it all! "Eh- iba iyon... Eh?" Pulang pula ang kaniyang mukha. "Haha! Your face is red!" Sabay sundot sa pisngi niya. Inis niya namang inirapan ito. "Tse! Diyan kana nga! Kumain kang mag-isa mo!" Iniwan niya itong naiinis sa Binata. "Hey! Saan ka pupunta? I'm just kidding!" Hindi sumagot ang dalaga. "Rheanna?" *** "Daryll Darling..." "Carlota? What are you doing here?" "Nothing... Gusto lang kitang bisitahin. I miss you so much!" Kinalawit ni Carlota ang mga kamay nito sa leeg ng lalaki. Pilit namang inalis ito ni Daryll. Subalit parang lintang nakakapit sa kaniya ang babae hindi matanggal. "I have a meeting today? Get out!" Kalmadong pagpaalis ni Daryll sa dalaga. "No! I really miss you, Darling... Hindi kana umuuwi sa Mansion. Why?" "My house is too far from my office. I'm too lazy to travel long distances." "So you mean... May iba kang inuuwian bahay ngayon?" "Yeah. One of my condominiums." "Hmp, saan? Kasi baka bigla mo akong kailanganin balang araw. Para alam ko at paano ka puntahan." Inalis niya ang mga kamay ni Carlota. "No need. Please stop! Kalimutan mo na ako. Binigay ko na ang gusto mo ano pa kailangan mo sa akin." "Ikaw? Ikaw Daryll? Gusto kita!" Naikuyom ni Daryll ang mga kamao. "Sir Daryll, nandito na po ang mga shareholders at investors natin." Pabulong na sabi ng kaniyang assistant. "Okay salamat, susunod na ako." Tumango lang ito. "Sa nga pala. May iba pa po kayong bisita. Naghihintay sa inyo sa labas. Papasukin ko ba?" "Sino?" "Arthur Legaspi Pelaiz." Umiigting ang panga niya sa bisitang hindi inaasahan. "Sir?" "Tell him. May meeting ako. At hindi ko alam anong oras matatapos kung gusto niya bumalik na siya sa ibang araw." "Sinabi ko na po iyan sa kaniya Sir? Pero sagotin niya hihintayin ka daw niya dahil importanti daw ang sasabihin niya sayo." "Hmp, Darling... If you want ako na muna ang kakausap sa kaniya habang nasa meeting ka. Don't worry ako bahala." "Sige, thank you. But then you can leave. Matagal ng tapos kung anong mayroon tayo Carlota. Please, huwag mo ng pasikitin ang ulo ko." Sabi niyang sabay salat sa noo. Bigla kasing kumirot. "Fine." After one hour. Natapos ang meeting. Madami sa mga investors ang gustong nagsasabing mag invest sila sa Starlight company. Hindi niya pa kasi alam kung sino ang may- ari nito. Hindi niya pa nakilala sa personal sa tuwing mapadaan siya sa lugar na iyon. Pero sikat ito at namamayagpag dahil sa quality at magandang prudoct. Madami ding benefits ang makukuha sa naturang company. Kahit saang bansa kilalang good quality at maayos na products. "You're finally done!" Boses ng taong familiar sa kaniya. "Arthur Legaspi Pelaiz? Hindi kapa umalis? How important is what you are going to tell me?" Sarcasm na sabi dito. "Hindi na ako magpaligoy- ligoy pa Daryll Dela Peña. I know Rheanna is yours." Please give her back to me!" "Arthur? Ikaw na nagsasabi ngayon lang, nasa akin si Rheanna. Bakit ko pa siya ibabalik kong totoong nasa akin siya? Besides, bakit mo siya hinanap sa akin?" "Dahil isa kang taksil! At ahas! Ibalik mo sa akin ang asawa ko, Daryll! Dahil kung hindi--?" "What?" "You will regret everything." Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Ikaw ba sa boung buhay mo pinagsisihan mo ang mga kasalanang nagawa mo sa amin ni Mommy?" "No! Because she deserves it!" Agad uminit ang ulo ni Daryll at tumaas ang dugo sa ulo. Sinuntok niya sa mukha si Arthur. "Pagkawalang puso mong tao! Hayop ka! Wala kang awa. At kahit sarili mong anak wala kang awa!" "How many times do I have to tell you that. Hindi kita Anak! Hindi! Naitindihan mo ba?" Parang pinipiga ang puso ni Daryll marinig sa isang tao na hindi ka kinilalang anak. Kahit noon pa man ay hindi na siya kinilala ay masakit pa din pala marinig sa isang taong nagpautangan mo ng loob ang sabihin hindi ka anak... "Ngayon, ibalik mo si Rheanna sa akin. Or else magkamatayan na tayo Daryll?! Akin lang ang asawa ko... Akin lang siya." "She's not your wife? You just forced her to marry you because you were scaring her!" "I don't care! Basta ibalik mo siya sa akin. Kung gusto mo pa makitang buhay ang Nanay mo!" "Huwag mong saktan si Mommy?" "Then ibalik mo sa akin si Rheanna kapalit ng Nanay mo. Bukas ng hapon alas tres medya magkita tayo sa imbakan ng bakal. Doon tayo magpalitan. Daryll? Nanay mo kapalit kay Rheanna?" "Haha? Iniisip mo talagang papayag ako sa gusto mong mangyaring ibalik ko sayo si Rheanna. Hindi Arthur? Hindi na..." "Kung papatayin kita dito ngayon, ha?" Sabay bunot sa baril na dala ni Arthur pero hindi natatakot si Daryll dahil nakahanda siya. Bago pa siya pumasok sa office alam niya na, ang mangyayari kaya nakahanda talaga siya. "May baril ka mayroon din ako Arthur! At sa paglabas mo sa office ko ngayon nakaabang na sayo ang mga police oras na kalabitin mo iyang baril." Matapang na sabi niya dito. "Haha! Matapang kana ngayon, Bastardo! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Heto ba pinagmamalaki mo. Kayang kaya kong pagbagsakin ito sa isang iglap lang at babalik ka sa basurang pinangalingan mo." "You made me into a monster! Huwag kana magtaka kung isang araw kalalabanin ka ng taong ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD