"How she's?" Wala sa doktor ang paningin niya kundi sa babaeng pinagkautangan niya ng buhay.
"She's good for now..." Kumunot ang noo napatingin dito.
"What do you mean?"
"Matagal na siya dito wala pa rin siyang improvement. Kailangan ba ilipat ko siya ng ibang hospital. Kung saan magagaling ang mga doktor at kaya siyang pagalingin!"
"Daryll... Ginagawa namin ang lahat para bumalik siya sa normal pero anong magagawa namin kahit siya mismo ayaw makipagtulungan sa amin. Ayaw niyang sumunod baka naman this time kakausapin mo na siya at pakiusapan mo siya baka sumunod sayo." Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao at umiigting ang panga niya ng tumingin sa babae.
"Hindi ba kayo ang mga doktor! Dapat kayo ang may kakayahang pagalingin siya sa sakit niya." May diing sabi niya.
"Yes, your right? Pero need rin namin ang tulong niyo para mabilis ang recovery ng isang pasyente." Hindi siya sumagot.
"Daryll, hanggang paba ngayon hindi mo magawang harapin siya?" Pumungay ang mga mata niyang napatingin dito.
"Parang madudurog ang puso ko. Rom... Hindi ko kayang harapin ang mga mata niyang alam kung mayroon siyang hinahanap at hindi ako iyon." Mabigat sa loob niyang sabi.
"I understand... Pero hahayaan mo bang hindi siya gagaling sa sakit niyang iyan?"
"What can I do?" Gulong-gulo ang isipan niya. Hindi niya alam kung paano harapin ito na hindi nasasaktan.
"Kailangan niyang tanggapin sa sarili na kayo na lang. At ikaw ang magpaunawa niyan sa kaniya. Malay mo gumaling siya sa tulong mo." Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao.
"I hate him. Kasalanan niya ang lahat ng ito... Hind ko siya mapapatawad kahit kailan!" Parang madurog ang mga ngipin niya sa galit.
"By the way, paano ka nakabalik? Akala namin ano na nangyari sayo lalo na nakita ang kotse mo sa bangin!"
"May taong tumulong at inaalagaan ako hanggang sa gumaling ako." May ngiti sa mga labi niya habang naalala ang mga mukha ng mga taong napag utangan niya ng loob.
"Good! Thanks to them..."
"Yeah," napalitan ng lungkot ang mukha niya.
"What happened Daryll?"
Huminga ng malalim si Daryll bago nagsalita. "Hindi ko alam kung anong maramdaman ko Rom..."
"Bakit?"
"Hindi ko alam anong plano ng Diyos bakit sa dinadami ng tao nagligtas sa akin. Doon pa sa taong kunektado sa taong may malaking kasalanan sa akin. At kay Mommy..."
"Marami akong plano pabalik dito sa Manila. Gusto ko siyang isama at ipakilala sa kaniya. Pero naglaho lahat ng malaman kung ikakasal na siya sa taong iyon. Kahit kailan hindi ko mapapatawad."
"Alam mo iyong naramdaman ko ngayon galit at poot na nabuhay lang ng muli ko siyang makita." Umiigting ang mga panga ni Dryll habang iniisip ang mukha ng taong iyon na kinasusuklaman niya.
"Small world... Kung ganon. Siguro nga Diyos ng gumawa ng paraan para muli kayo magtagpo pero sa maling pagkakataon pa."
"Yes... Sinabi mo pa, Rom? ang hayop na iyon."
Bumuntong-Hininga ito. "Hindi kaya Diyos na rin gumawa ng paraan para harapin mo siya at kung ang mga taong iyon ang ginawang tulay para magkaayos kayo, bakit hindi mo siya harapin?"
"Lalo lang nadagdagan ang galit ko sa taong iyon! At gusto ko siyang gantihan sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya sa akin. Sinira niya buhay ko..." Galit ang nasa mukha ni Daryll.
"Anong plano mo?"
"Kunin ang lahat na mayroon siya hanggang sa ikamatay niya ang dala kung pasabog!"
"Makapangyarihan pa rin siya at maraming kuneksyon hanggang ngayon. Kakayanin mo kaya ang taong iyon?" Ngumiti siya ng matabang.
"Remember marami rin akong pera. Hindi ako nagsisikap sa wala lang. Nagsumikap ako na wala ang tulong niya. Para balang araw kaya ko siyang pantayan at ipamukha sa kaniya kung ano ang taong tinapon niya at tinakwil."
"Isang malaking gulo iyan. Ama mo pa rin siya."
"No! Nagkamali ka. Kaaway ko siya. Hangga't nabubuhay ako. Rom? hinding hindi ko siya kilalaning Ama.'
Tumalikod si Daryll at nakatingin sa kawalan.
"At hindi ako natatakot sa kaniya."
++++
Kinabukasan.
Ginawa niya agad ang paglilinis ng greenhouse gusto niya ito ibalik sa dati. Kapag bumalik ang dating asawa ni Arthur matutuwa ito. Kung sakaling makabalik. Dahil malawak at malaki ang greenhouse nagpatulong na siya sa paglilinis wala rin naman siyang ginawa wala rin si Arthur nasa trip ito sa Davao. Mayroon itong business meeting roon at ilang araw pa bago makauwi. Sinamantala niya na ang paglilinis sa greenhouse kahit pa magagalit ito.
"Saan po ito ilagay Ma'am?"
"Banda roon... Bagay siya roon!" Turo niya sa dulo.
"Itong mga lavender diyan niyo siya ilalagay." Turo niya sa banda roon at agad naman silang kumilos para ilipat sa tamang lalagyan ang lavender.
Pinaputol niya rin ang malaking puno na sumira sa bubong ng greenhouse. Pinaalis niya rin ang mga damong tumubo sa lupa at inayos ang mga halamang naaalis sa banga. Iyong wala ng lalagyan ay pinalitan niya ng bago. Pinalitan niya rin ng bagong net ang nasirang net na panangga sa ulan. Pagod siya maghapon sa pag- aayos ng greenhouse. Hindi siya na bored maghapon hindi niya namamalayan ang oras. Nang matapos ginagalaw niya ang mga tuhod at leeg sa maghapon nakayuko.
"Muli pong gumanda ang lugar na ito. Sarap mag selfie dito!" Si Mimay ang pinakabatang katulong.
"Hay naku! Ang hilig mong kumuha ng larawan." Sabat ng isang katulong.
"Selfie lang naman para may pang profile pic ako." Nakangusong sabi nito sa kaniya. Hindi siya mahilig mag f*******: pero pwide niyang gamitin ang cellphone binigay sa kaniya ni Arthur.
"Okay lang po ba Ma'am mag-selfie dito?" Agad siyang tumango dito.
"Oo, naman. Okay lang..." Nakangiting sabi niya.
"Rinig niyo sabi ni Ma'am. Okay lang!" Tuwang-tuwa sabi ni Mimay at agad rin nagpakuha ng larawan. Napangiti na lamng siya para kasi itong bata sa tuwa.
Nauna na siyang pumasok sa loob bahay at naglilinis ng katawan. Masakit ang boung katawan niya sa kakayuko. Naghahanap muna siya ng damit pero may anong bagay nalaglag sa sahig. Agad-agad niya naman dinampot. Ang kwentas... Habang hawak niya ito. Bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Napapalitan ng bigat at pangungulila ang pakiramdam niya ngayon. Bakit may pakiramdam siyang nasasaktan. Hindi niya alam kung saan siya nasasaktan. Wala naman ito pinangakong gusto siya at kahit anong katibayan na may naramdaman ito sa kaniya. Ano pa ba inaasahan niya sa taong iyon. Pero kung sinabi lang sa kaniya na huwag siyang magpakasal kay Arthur at gusto rin siya ni Daryll. Gagawin niya ang lahat makasama lang ito pero hindi siya pinigilan at hinayaang makasal kay Arthur. Hinayaan lang siyang matali sa taong hindi niya mahal. Kaagad niyang pinunasan ang luhang namasa sa pisngi at basta na lang tinago sa maliit na kahon ang singsing. Ayaw niya na maalala pa si Daryll. Magmula ngayon kakalimutan niya na ito.
Linggo.
Naisipan niyang magpunta sa Quiapo. Ito ang matagal niyang pangarap noon kapag nakaapak siya ng Manila ang Quiapo talaga ang una niyang pupuntahan at heto siya ngayon sa harap ng simbahan. Dahil linggo ngayon, maraming tao at iba't-ibang paninda ang nasa paligid, ng ano-ano.
Hindi niya alintana ang daming tao kahit na siksikan nanatili lang siyang nakatayo sa harap at malaking simbahan. Masarap sigurong ikasal sa simbahan na ito. Lalo na mahal mo ang pakakasalan mo.
"Excuse me! You are blocking my way... Wala kabang balak tumabi?" Rinig niyang sabi. Ang familiar na boses na kailanman hindi niya malilimutan. Dahan dahan siyang humarap dito. Nang makilala siya nito saglit itong natigilan. Hindi rin niya alam ang sasabihin sa taong matagal na niyang nasasabik makita.
"Daryll..." Sa namaos niyang boses.
"Who are you?" Kumirot kaagad ang dibdib niya sa narinig. Ganon ba kabilis ito makalimot. Sabagay... Para saan pa para maalala siya.
"Kilala ba kita?" Ngumiti siya ng mapait at napalunok ng laway.
"Sorry. Hindi pala ikaw ang taong kilala ko. Kasi iyong taong kilala ko hindi ako nakakalimutan kahit isang sigundo..." nagmadali siyang tumalikod dito bago pa magbago ang isip niya.
"Wait!" Pero hindi siya nakinig dito. Humalo siya agad sa mga tao. Ayaw niya ng magpadala sa damdamin. Tama na iyong nasaktan siya ng isang beses. Tama na iyong pagpapahirap niya sa sarili.
Pero sumunod pa rin ito sa kaniya hanggang sa loob ng simbahan. Hinila siya nito sa likod simbahan.
"Bakit? Bakit?" Humahagulhol siya ng iyak hindi niya na napigilan ang sariling umiyak ng umiyak. At pinagsusuntok niya ito sa dibdib.
"Stop crying... Sh, sh, sh.. I'm sorry."
"Tigilan mo ako sa kakaenglish mo diyan. Bwisit ka!" Galit niyang sabi dito.
"Sorry... Hindi kita nakilala agad."
"Ang galing mong magpaiyak tapos hihingi ka ng sorry, ha?" Hindi pa rin paawat ang mga luha niya.
"Bakit kapa sumunod dito. Sana pinanindigan mo na lang!" Namulsa ito sa dalawang pocket nitong sout na slocks. Ngayon niya lang napansin ang ayos nito nakatuxedo pala ito, at bumagay naman sa etsura nito nag mukha itong matured at lalong gumugwapo sa paningin niya.
"Malaki ang utang na loob ko sa Tatay mo. Hindi ko naman matiis na hindi ka kausapin kahit labag sa loob ko." Seryosong sabi sa kaniya.
"Kaya mo lang ako hinabol at dinala dito dahil nakukunsiya ka. Ganon ba ibig mong sabihin, ha?"
"Ganon na nga!" Ngumiti siya ng mapait at umayos ng tayo. Inayos niya rin ang sarili. Akala pa naman niya kaya ito sumunod sa kaniya dahil hindi siya nito kayang tiisin dahil mayroon rin itong nararamdaman sa kaniya, na nagkamali lang pala siya ng iniisip. Ang tanga tanga niya.
"Okay..."
"Sorry sa nasabi ko kanina."
"Okay."
"Okay na ba? Pwide na ba ako umalis?" Sabi niya dito. Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
"Yes."
Huminga siya ng malalim bago tumalikod kay Daryll. Nagbitaw muna siya ng salita. "Pwideng makiusap. Sa sunod na makita mo ako o sa kahit ano. Pakiusap huwag na huwag mo na akong lalapitan o kausapin pa. Dahil pag ginawa mo iyon. Magagalit na ako sayo ng tuluyan, Daryll?" Saka umalis ng tuluya.