Gumagalaw galaw pa ang isda nasa plastic. Hindi alam ang gagawin ni Daryll. First time niyang gawin pero no choice naman siya. Habang kinakaliskisan ito dumulas ito sa kaniyang kamay at tumatalon- talon pa. Hirap siyang hawakan dahil matinik ang isda. Pinawisan siya ng malagkit. "F**k! Nakakainis!" Malakas niyang mura habang hinuhuli ang isda. "C'mon... Pahuli kana huwag mo akong pagorin, fucker!" Bwisit na bwisit na siya akala mo sino ang kalaban niya. Ang isda lang naman na buhay pa rin. Ano ba naman kasi lifestyle niya sa Manila kumpara rito. Buhay hari siya roon lahat ng mga kailanganin niya inaabot na lang ng mga maid at may mga tao siyang handang sumunod sa lahat ng mga pinapagawa niya. Wala na siyang dapat ipag- alala. Hindi tulad dito sa probinsya kailangan mong kumilos at mat

