"Kung aampunin mo ang anak ng kapatid mo, makakahati siya sa mga pamana ng magiging anak niyo," paliwanag ng abogado ng pamilya nila sa kanila ni Danzel. Nasa opisina sila ngayon ng Albano Corp. para humingi ng payo kung ano ang makabubuti. "Albano Corp. is already a multi-billion company Attorney," ani Danzel na nakaakbay sa kanya. "Pero malaki na rin ang angkan namin na maghahati-hati niyon. Shanaya has her own wealth from her father as well as Shanon has her own trust fund under the care of my wife. Money is not an issue here. What we want to assure is that Anya cannot use her daughter to bring trouble to us in the future." "Pipirma siya sa kasunduan, Danzel. Isasaad niyo sa kasunduan ung ano ang mga kondisyon niyo tulad ng hindi na siya maaaring lumapit sa anak niya at hindi

