Nagtilian ang kaniyang mga kasama. Kilig na kilig ang mga loka. Tss, pasimpleng pinasadahan niya ang kasuotan nito, mula taas hanggang ibaba. Fitted ripped jeans, army green v-neck shirt-at namumurok duon ang muscles nitong halatang matagal na pinaghirapan. Dark eyeglasses, may mga bakas pa rin ng bangas ang mukha. Lihim siyang natawa nang maisip na natamo nito ang mga bangas na iyon kay Patrick. Nakapasok na pala ang lahat sa sasakyan nito. Siya na lamang ang naiwang nakatayo at ang tanging bakante ay sa tabi ni TL Jaime. Mataman siya nitong pinagmamasdan. Humigpit naman ang hawak niya sa paperbag na naglalaman ng biniling regalo para kay CJ. Hindi niya alam kung papaano sasabihin na ayaw niyang tumabi sa harapan… Lumapit na sa kaniya si TL Jaime. Ngumiti ito it inilahad ang kamay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


