"Tingin kayo sa camera mga anak" may hawak hawak na cellphone ang may ari ng lomian na lumapit sa kanila. Sini sipat sipat pa nito ang kung saan may magandang anggulo. Tumingin naman sila doon "1,2..." bago mag bilang ng tatlo ay biglang lumapit ang muka ni Patrick sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Ay tutoy kainaman ka baga, hindi ko naman sinabing 1 2 kiss ay kung makasunggab ka naman kay babaysot niyan. Aba at tingnan nga natin.” nanliliit ang matang tinitingnan nito ang resulta ng kanilang picture. Sobra naman ang ngiti ni Patrick habang umiinom ng tubig at prente na naka upo at tumititig lang ng makahulugan sa kaniya. Siya ay hindi maitagong kiligin habang hinahaplos ang pisnging hinalikan ng ... ehem Boyfriend. “Maganda ba ang kuha namin manong?” tanong ni Patrick. “Ma

