Ngayon ay ganap na akong isang Hari ng mga Vampira at nakabalik na rin ako ngayon sa Mundo ng mga tao.
Isang buwan na ang nakalipas mula ng makilala ko si Olivia, at isang linggo na rin ng maging Hari ako.
Inayos ko muna ang mga dapat gawin sa mundo ko kung saan ako ang hari. At nagpaalam na rin ako sa Ama ko na babalik ako sa mundo ng mga tao para sa isang mission.
'Yun ay maging akin si Olivia.
Alam ko kung saan nagtatrabaho si Olivia at ngayon nga ay nandito ako sa labas ng pinag trabaho-an niya. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na si Olivia na palabas na. Nilapitan ko ito at binati siya.
"Hi! Olivia, long time no see. How are you?" I asked.
Napansin kong nagulat siya ng biglaan kong pagsulpot sa harapan niya. Agad naman siyang natauhan ng mapagtanto niya kong sino ang nasa harapan niya.
"Oh! ikaw pala! Yaohan, Am I right?" saad niya sakin. "Yeah! That's me," I said to her.
"Long time no see, Olivia. Dito ka pala nagtatrabaho?" tanong ko sa kanya.
"Oo, dito ako nag work. Tika! bakit ka pala nandito? Ah! What I mean is, how did you know that I am here?" Balik na tanong ni Olivia sa akin.
"Well, I have my ways, Olivia. Lalo na pag gusto ko ang isang bagay." Nakangiti kung turan sa kanya.
"Oh! It does mean na gusto mo ako, kaya ka nandito? Hahaha!" Pagbibiro niya sakin at natawa sa sinabi nito.
Mas lalo lang akong nagagandahan sa kanya pag tumatawa siya. Nginitian ko rin siya sabay sabing...
"Actually, Olivia, the first time that I saw you, I already admitted to myself that I like you. And we are destined, ikaw ang nakatakda para sakin." I said.
Kita ko naman na natigilan siya sa pagtawa ng marinig ang mga sinabi ko.
"Y-you l-like me? How did it come?" saad niya sabay turo sa sarili niya na para bang sinasabi niya na ako ba talaga ang tinutukoy mo?
"Yes! Olivia, I like you and I want you to be my girlfriend. Gusto kita at papatunayan ko sayo na seryoso ako. Kung matatanggap mo ang pagkatao ko ay pinapangako ko sayo na pinoprotektahan kita. Walang sino man ang makakalapit at magtangka ng masama sayo. Dahil hindi ko sila hahayaan na mahawakan ni dulo ng buhok mo." Pag-amin ko sa kanya ng nararamdaman ko...
------
OLIVIA LIM's POV
Nakatulala pa rin ako sa harapan ni Yaohan, dahil biglang bigla ako sa pagtatapat niya ng nararamdaman niya para sa akin.
Hindi ako makapaniwala na gusto niya rin ako, dahil una pa lang ng makilala ko siya ay na love at first sight na ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari iyon, pero sa nagdaang mga araw ay ninanais ko na makita siyang muli, na para bang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko siya masilayan.
Unti-unti nang nag s-sink in sa isip ko ang mga sinabi ni Yoahan sa akin. Natauhan lang ako ng magsalita ulit siya.
"Hey! Olivia, are you okay?" he asked.
"Y-yeah, I'm fine! Nabigla lang ako sa mga sinabi mo." Nauutal kong sagot sa kanya.
"Ahm, Olivia, is it okay to you if I court you?" tanong niya ulit sa akin. At dahil parihas naman kami ng nararamdaman ay tinanguan ko siya bilang sagot ko.
"Oh! Really! Olivia, okay lang sayo na ligawan kita?" Masayang sab niya sa akin.
"Yes! It's okay for me, 'cause the feeling is mutual." saad ko sa kanya, na ikinalaki ng mga mata niya.
"So! Destiny talaga tayo, Olivia. Huwag kang mag-alala at hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay mo sa akin." he said.
Nabigla naman ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap at ang sumunod na katagang sinabi niya sakin ang siyang nag pakabog sa damdamin ko...
" I love you, Olivia, I really do." he said to me.
Hindi ako makagalaw sa bilis ng pangyayari ngayon. "How did it come that he already loves me." I whispered to myself.
"Sa maikling panahon na nagkakilala kami ay nagawa na niya akong mahalin." Kausap ko sa sarili ko.
Nabalik lang ako sa Realidad ng inalok niya akong ihatid pauwi. Agad naman akong pumayag, tutal ay malalim na rin ang gabi.
Sabi nga ng iba! Grab the opportunity, to be able to survive...