Dia's POV Nagdala ako ng tubig sa kwarto ko. Tuyot na ang lupa ni Venuss kaya kailangan na niya ng dilig. "Oh, magtubig ka muna para mawala na iyang tampo mo sa akin," wika ko at saka ko diniligan ang lupa niya. Dito ko muna siya tinago sa kwarto ko. Nilihim ko kay Amir na nandito na si Venuss. Kailangan kong maging handa anumang oras. Baka kasi kung ano ang gawin niya kay Venuss para hindi na ako makabalik sa Madita. Hindi puwedeng mangyari 'yun dahil ililigtas ko pa ang mama ko. Lalo tuloy akong naging problemado sa sitwasyon ko. Paano ko ililigtas ang mama ko kung mag-isa na lang ako. Wala na akong tulong na makukuha sa mga taga-Madita. Sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang lahat. Pero hindi pa rin ako susuko dahil kahit pa paano ay nasa panib ko pa rin naman si Prinsipe Amir na

