Dia's POV Paglabas namin ni Amir sa gate ng bahay namin ay nakita naming nasa bubong ang isang babae. Natatandaan ko siya. Ito iyong babae na palagi kong kalaro no'ng bata pa kami. Si Diana. Paatras na siya nang paatras dahil unti-unti nang lumalapit sa kanya si Erson. Napailing ako nang makita ko si Erson. Halimaw na halimaw na talaga ang itsura niya. Lumaki ang ulo niya, humaba ang mga buhok, pula ang mga mata at naglalaway ang mahahaba niyang ngipin na halos lahat ay matutulis. "Jusko, anong halimaw iyan? Totoo pala ang balita na may gumagalang halimaw dito sa atin," dinig kong sabi ng mga taong nanunuod sa kanila. Ang ilan ay nagtatakbuhan na palayo, habang ang ilan naman ay nanunuod pa na tila walang takot. "Ano na, Dia? Umaksyon na tayo bago pa mapahamak ang babae iyan," sabi

