Dia's POV Kasama ko nang pumasok sa loob ng sleeping area ko sa Madita Academy ang mama ni Erson. "Bakit ngayon ka la—" napatigil agad sa pagsasalita si Erson nang makita niyang kasama ko ang mama niya. "Erson...anak?" sabi ni Tita Ermilia at saka sila nagtitigan. Kitang-kita ko kung paano matulala si Erson. Napako siya sa kinatatayuan niya habang hawak-hawak ang remote ng TV. "Mama?!" agad na tumakbo si Erson para yakapin ang mama niya. "Paano ka nakapunta rito?" tanong pa niya habang basag agad ang boses. Hindi ko man kita ang mukha ni Erson dahil nakabayukyok siya sa balikat ng mama ay alam kong lumuluha siya ngayon. Sa puntong iyon ay wala akong paalam na lumabas ng sleeping area. Hinayaan ko muna silang mag-usap dahil iyon ang hiling ni Tita Ermilia kanina. Paglabas ko ay naakaba

