Dia's POV Ang daming tumakbo sa isip ko sa mga nalaman ko tungkol kay Haring Ricardus. Habang nakaupo kami at kumakain ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumayo ako para lapitan muli ang hari at reyna. May gusto akong itanong sa kanila. Gusto akong pigilan nila Miss Locasta ngunit hindi ako nakinig sa kanila at tuluyan pa rin akong naglakad papunta sa hari at reyna, pero biglang tumayo si Prinsipe Amir, sinalubong niya ako at hinila niya ako paakyat sa hagdanan ng palasyo nila. Nakarating kami sa terrace ng palasyo. "Anong ginagawa mo?!" galit niyang tanong habang nanlilisik ang mga mata. Yumuko agad ako sa kanya para humingi ng tawad. "Patawad po, ngunit may itatanong lang naman kasi ako sa mahal na hari," sagot ko sa kanya. Napairap siya sa akin. "Maari kang maparusahan dahil sa g

