Sapphire’s Pov LUMIPAS pa ang tatlong araw at ganun parin ang routine ko. Si Sweetheart ay nandito pa din sa bahay ko at minsan ay pumupunta dito si Catness dahil pinipilit siya ni Matamis na puso. Tatlong araw na din niya pinag aaralan ang code na sinend sakanya na hindi niya malaman kung sino. Nagpadala na naman daw ‘to ng code kaya dalawang code na ang kailangan niyang pag aralan. Ako yung naawa sakanya dahil halatang hindi talaga niya malaman kung paano. Pinipilit ko siyang magpa tulong na kay Lord o kay sir Atticus ngunit ayaw niya. Pero hirap na hirap naman siya na alamin yun. Nandito ako ngayon sa kusina at kumakain. Nakabalik na si ate Ruwi at ang asawa niya at nakausap ko na siya kahapon. Sinabi niya sa ‘kin na hindi nga talaga daw si Percival yun dahil kinuhaan daw ni Lorca

