Sapphire’s Pov DUMATING si ate Ruwi at siya lang mag- isa wala ang asawa niyang clingy. Nasa tabi siya ni Xanth habang pinapanood ang ginagawa ng bata. Nakakabilib talaga si Xanth, ang galing niya pagdating sa pag crack ng code. Manang- mana sa tatay niyang tracker. “Teka.. alam ba ng daddy mo nandito ka?” Tanong ni ate Ruwi kay Xanth. “Hindi po. Kapag pinagalitan po ako.. dadalhin ko po ang pangalan mo,” sagot ni Xanth kaya mahinang natawa si Matamis na puso. “Bakit ako? Tinawag niyo lang naman ako ha!” Reklamo na sabi ni ate Ruwi. Ngumuso naman si Xanth. “Kasi pag pangalan mo ang dala ko, tita Ruwi, hindi po nagagalit si daddy. Takot po siya sa’yo eh maliban kay mommy.” Sagot naman ng bata na nag puppy eyes pa talaga kay ate Ruwi. Napakamot nalang sa kilay si ate Ruwi sa sinabi n

