Archeina's POV Nakatanggap ako ng tawag kay Vaughn, jusko kung alam lang nya kinikilig akong marinig ang kaniyang boses. Pero syempre hindi ko naman pinapahalata sa kanya na masaya ako na tinawagan niya ako, gusto nyang makipag kita sa akin pero tinanggihan ko nuong una. Pero makulit kaya pumayag na din ako, tutal gusto rin naman nyang makita si Vince kaya pinag bigyan ko na rin siya at gusto ko na rin naman ulit siyang makita pero syempre para talaga ito sa anak ko. 'Sus Chei, pinagbigyan mo ba talaga dahil sa anak mo o dahil ikaw ang atat na makita siya?' Pang aasar ng utak ko sa aking sarili. Pinilig-pilig ko ang aking ulo at tumingin sa aking orasang pangbisig. After three days. Ito na ang araw ng napag usapan namin ni Vaughn na magkikita kami kasama ang aking anak. May nararamdaman

