Archeina's POV Nagulat ako. Hindi ko ito inaasahan. Pati ang aking ama ay nandirito upang saksihan ang ginawa ni Vaughn. Napatingin ako kay Kuya Harold pero nagkibit balikat siya dahil maging siya ay nasorpresa ng ginawang proposal ni Vaughn. Ang aking anak naman ay biglang bumitaw sa aking kamay at nagsisigaw sa sobrang kasayahan. "Yay, finally buo na ang pamilya namin!" Sigaw nya sa sobrang katuwaan habang tumatalon-talon pa ang aking anak. Muli akong siniil ng halik ni Vaughn pero hindi na ako nabigla at tinanggap ko lamang ito ng buong puso kahit pakiramdam ko ay napakabilis ng pangyayari. "Langya bro! Kasal muna bago honeymoon, manyak na manyak ka na agad?" sigaw ng kaibigan ni Vaughn kaya't malalakas na tawanan ang namayani sa loob ng hallway ng hotel. Nilapitan kami ng aming

