Chapter 35 -Buking-

1732 Words

Vaughn's POV Nakarating kami ng maayos sa mansion ng aking mga magulang, habang bumubukas ang mataas na gate ay naaaninag ko na ang dalawang bulto na nakaabang sa may hardin. Pagkaparada ko ng aking sasakyan ay nauna akong lumabas at binilinan ko muna si Vince na huwag munang bababa ng sasakyan dahil siya ang aking malaking sorpresa sa aking mga magulang. Iniwan kong bukas ang pintuan ng driver seat ng makita kong nagmamadaling lumapit sa akin ang aking mga magulang kaya unti-unti na din akong lumalapit sa kanila. Yumakap at humalik ako sa aking ina at ganoon din sa aking ama na tuwang-tuwa na makita ako. "Son we miss you so much," masayang ani ng aking ama habang tinatapik-tapik ako sa aking likuran. "Nasaan na ang sorpresa mo sa amin anak? Babae ba anak at magpapakasal na ba kayo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD