TBTL 38 [ANNIE'S POV] "Hi." Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig kong may nagsalita sa aking likod. Kilala ko kung kaninong boses iyon. Kilalang kilala ko..... Unti unti akong lumingon sa aking likuran at ganoon na lamang ang biglaang pagtibok ng puso ko ng malakas. "Cloud..." Sambit ko sa kaniyang pangalan. Hindi ako makapaniwala na yung taong kanina ko pa hinahanap ay andito lang pala sa aking likuran. Buong akala ko'y natuloy siya sa pag-alis. "It's been a long time since the last time we saw each other." He said at bahagya itong ngumiti sa'kin. Wala siya'ng pinagbago. Ang ganda pa rin ng mga ngiti niya at mas lalo siya'ng gwumapo. Wala akong maapuhap sabihin. Tila ba nab-blangko ang aking utak at nakatitig lamang ako sa kaniya. Sobrang na-miss ko siya... Sobra sobra

