Ako, magseselos? Sa kanila? Asa siya! Sino ba siya sa inaakala niya? Ako? Magseselos? Bahagya akong natawa nang muli na namang umugong sa alaala ko ang sinabi niya kanina. Magseselos? Ako? "Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Travis, para isiping nagseselos ako sa inyong dalawa ni Georgina," dismayado ko pang sambit sa sarili bago muling natawa sa sarili ko. "Magseselos ako sa inyo? Eh, kahit na maghalikan kayong dalawa sa harapan ko, wala akong pakialam sa inyong dalawa," dagdag ko pa. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang opisina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na siyang wala rito. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit niya pa nga ako iniwan dito sa loob ng opisina niya. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin kung hindi ang tapos na ang usap

