Death By A Million Cuts 1 : Then, Marry her!

3710 Words
CHAPTER 1 : Then, Marry her! Carmie's Point of View "How's your sister?" Tanong agad sa akin ni James nang makita niya ako. "She's fine." tipid kong sagot sa kanya. Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong usap namin ni Achilliance kanina. I sighed. Tapos na iyong wedding ceremony at kanina pa nagkakasiyahan dito sa hotel ang newlyweds. Ang sama nga ng tingin ng bagong kasal sa amin kanina, malamang, hindi ba naman kami sumipot sa simbahan. Pero ramdam ko pa rin ang kaba... Mamaya-maya darating na si Achill tapos... tapos ipapakilala niya na sa amin iyong girlfriend niya ㅡ no, fiancé ang magandang description sa kanya dahil sabi ni Achill papakasalan niya na rin daw. Gusto ko ng umiyak kanina pa, pinipigilan ko lang. Gusto ko nang magwala, pinipigilan ko lang. Nasasaktan ako sa thought na iyon, anong dapat kong gawin? Hayaan ko nalang na mangyari ito? Malamang, mamaya mas masasaktan pa ako. Kakaalis lang kasi ni Achill ㅡ susunduin niya raw iyong girlfriend niya para ipakilala sa amin. "May problema ka ba?" Umupo siya sa tapat ng table ko, ako lang mag-isa sa table na ito. Lahat sila nagsasayawan sa may dancefloor habang ako naman ay nakapangalumbaba lang at nag-iisip. Umuwi nalang kaya ako? Maganda pa sigurong idea iyon kaysa hintayin pa si Achill kasama ng magiging asa ㅡ asawa pa nga. Ba't ba nag-iisip na ako ng kung ano - ano, hindi pa sila kinakasal. Pero ganu'n na rin iyon huhu. Pakisapak ako. "Wala." Sabi ko sa kanya. Ang sabi sa akin ni Achill ㅡ Filipina rin daw iyong babae na nakilala niya sa Paris. He even said the word 'destiny' and I really hate it. Sinabi niya pa sa akin na seseryosohin na raw niya iyong babae. He didn't know how painful it is in part of me. Bakit pa siya naghanap sa Paris e nandito naman ako na palagi niyang kasama. What's wrong with him? Tsaka bakit nagmamadali si Tita Marilyn ㅡ nanay ni Achill, na ipakasal ang panganay niya? 31 palang siya! ㅡ pero...enough na iyong age niya para ikasal, ako rin naman ah, bakit hindi nalang ako ang ipakasal ni Tita kay Achill? Pero bakit naman ako e bestfriend lang ako?! Tang*na, mababaliw na ako kakaisip. Anong mangyayari once na ikasal si Achill? Kahit hindi niya sinabi na mahal niya iyong girl e may possibility na matutunan niya rin mahalin kapag kinasal na sila. Eh bakit ako?! Hindi niya natutunan na mahalin, lagi niya naman akong kasama. Para nga kaming mag-jowa kung um-asta kapag gagala kami. Nakakainis. "Wala daw, kitang-kita sa mukha mo oh, para kang nasa five hundred." Sabi pa nito. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-iisip. "Tss, alam ko kung bakit." Maya-maya ay sinabi niya. Kaibigan ni Achill si James ㅡ as in James Sandoval. Ang lalaking mahal na mahal ang kapatid ko pero hindi niya maamin-amin dahil sa takot ng rejection. Siguro pareho lang kami, hindi ko maamin dahil natatakot ako sa pagbabago na posibleng mangyari. Hindi naman sila kasing close namin ni Achill pero mahal talaga ni James ang kapatid ko, at napatunayan niya sa akin iyon noong isang buwan. He can do everything for my sister. "May..." I paused and sighed. "May girlfriend na si Achill." Sabi ko sa kanya. Napa-ahh naman siya, as if he already know my problem. Wait, nasabi ko na ba na alam ni James ang nararamdaman ko para kay Achill? Alam niya iyon at medyo naiintindihan niya ako dahil medyo pareho kami ng sitwasyon, at hindi siya manhid kagaya ng isa diyan. Pero buti na rin siguro iyon na hindi niya alam, kahit na nasasaktan naman ako. "Tss, parang hindi ka naman sanay kay Achill. Ilang beses na siyang nagkaroon ng girlfriend ㅡ at naghihiwalay din naman kaagad sila..." sabi niya. May point siya du'n, pero iba ang kutob ko rito. Sinabi niya na iyon ang gusto ni Tita, kakabahan na talaga ako dahil mahal na mahal ni Achill ang mama niya at palagi nitong sinusunod ang utos at gusto niya. "Kaya 'wag ka ng mag-alala diyan future sister - in - law, at saka ilang beses ko rin bang sasabihin saiyo na mahal ka rin ni Achill." Lagi niya ring sinasabi sa akin iyan at tapos na akong maniwala. Nu'ng una hindi ko itatanggi na naniwala ako sa sinabi niya na mahal din ako ni Achill pero nagising ako sa katotohanan na hindi niya ako mamahalin. Bago umalis si Achill papunta ng Paris ay narinig ko pa ang pag-uusap nila ni Sael ㅡ iyong pinsan ko, ako pinag-uusapan nila kaya kinabahan ako roon. I sighed. Masakit sa dibdib iyong sinabi ni Achill. Tinanong kasi ni Sael kung mahal niya raw ba ako, sinabi niya na 'of course, I love your cousin.' Sobrang saya ko nang sabihin niya iyon pero doon na ako nasaktan sa sunod niyang sinabi... ' I love her because she's my bestfriend, not the way you're thinking' Ilang beses ko ng narinig sa kanya na bestfriend lang, kapatid ang turing niya sa akin at wala ng mababago roon. Hindi niya man lang ako binibigyan ng kahit kaunting pag-asa na mamahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Buti nga itong si James hindi niya sinasabi kay Achill na mahal ko siya. May tiwala naman ako sa kanya, may isang salita siya. Nangako siya sa akin na hindi niya sasabihin kay Achill itong feelings ko. "Hindi niya ako mahal, kung mahal niya ako edi ako nalang ang gagawin niyang girlfriend." I even rolled my eyes. "Si Syhea nga pala?" I asked. Napakibitbalikat naman siya. Hindi na naman kasi siya nagreply kanina nu'ng nagtext ako na hindi ako makakapunta. "Wala namang Syhea'ng nagparamdam sa simbahan." Sabi niya. Napaisip din ako pero umayos nalang ako ng upo nang makita ko ang newlyweds na papalapit sa amin. Nakahawak si Xander sa beywang na Crisselle at masayang - masaya silang naglalakad papalapit sa amin. Kakatapos lang siguro nilang sumayaw. Napatayo ako nang makalapit sila sa amin ni James. Nakipagbeso ako kay Crisselle ㅡ "Congrats, I'm happy for the both of you." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian naman ako ni Crisselle and she mouther me thank you in return. "Nasaan na si Achill? Akala ko ba mabilis lang siya?" Tanong nito sa akin. Na-freeze naman ang ngiti ko sa tanong ni Crisselle. Nakaramdam na naman kasi ako ng kirot sa dibdib ko. Natatakot ako na mas masaktan pa mamaya. Dapat nga siguro na umuwi nalang ako para hindi ko nalang masaktan ang sarili ko, at saka masakit din na suwerte raw si Achill doon sa babae dahil sobrang bait daw ㅡ mas mabait pa raw sa akin.Ang sama niya, kinompara niya pa talaga kami. Hindi niya ba alam na sobrang nasasaktan na ako? Akala ko ba mahal niya ako? Kahit bestfriend lang dapat hindi niya ko hinahayaang masaktan ng ganito, pero bakit ba ako nagrereklamo e wala naman siyang alam sa nararamdaman ko in the first place. Sabihin ko na kaya sa kanya? Tang*na wag na lang, mahirap mag-take ng risk. Matitiis ko pa naman siguro itong sakit na nararamdaman ko... Siguro... Kailangan ko na talagang mag-move on. Dapat nu'ng una palang e, ba't ba kasi ang kulit - kulit ko? Ang tigas din ng ulo ko, ilang beses ko ng sinasabi sa sarili ko na kailangan ko ng mag-move on para hindi na umabot sa ganito. Pero haha, hindi ko ginawa kaya umabot talaga ako sa ganitong sitwasyon na masasaktan dahil alam kong magseseryoso na si Achill sa babae. Bakit ba kasi hindi nalang ako ang seryosohin niya? Gusto ko na talaga maiyak ngayon, as in now. "Ewan ko sa tang*nang iyon." Sagot ko sa kanila. Natawa naman si James pero nawala ang tawa niya dahil agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Anong nakakatawa sa sinabi ko? Gusto mong itusok ko iyang tinidor sa lalamunan mo? Buwis*t ka." Inis na sabi ko.q Hindi ko na napigilan, wala naman kasi talagang nakakatawa sa sinabi ko eh. "Chill lang tayo Carmie, " sabi naman ni Xander. "Dapat maging masaya ka dahil kasal namin ngayon." Dugtong niya pa. Sinamaan ko rin siya ng tingin. "I'm happy for the both of you nga 'diba? Nakakainis talaga ang mga tao sa paligid ko. Bahala nga kayo riyan!" inis na sabi ko at iniwan ko na sila roon, ang ganda - ganda ng suot ko pero naiinis talaga ako. Hindi ko na rin napigilang tumulo ang luha ko. "Kalma lang, may regla ka ba?" narinig ko pang tanong ni Crisselle pero hindi na ako lumingon. Bakit ba iniisip nila na may regla ako? Tang*na. Dumiretso na ako sa restroom at doon ko hinayaan na tumulo ang lahat ng luha ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na akong lumabas. Inayos ko muna ang sarili ko para hindi mahalata ng mga kakilala ko at ng iba pang guest na umiyak ako. Habang naglalakad ako pabalik sa may table kung saan ako nakaupo kanina ay agad kong napansin ang isang pamilyar na pigura ㅡ tss, kahit nakatalikod alam ko na si Achill iyon. Wala naman siyang kasamang babae, kausap niya sila Xander at mukhang nagkakatuwaan sila. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumapit sa kanila. Sana naman...wala na lang siyang ipapakilala. Pero agad akong natigilan ng biglang may babaeng lumapit sa kanya. Napalunok ako. Parang sa paglunok ko ay may kasamang mga bubog na talagang pinuntirya ang puso ko. Lagi namang ganito, lagi naman akong nakakaramdam ng ganito. Umiling nalang ako at hindi na nagtuloy nang yumakap ang babae kay Achill. Mabilis nalang akong lumabas ng reception at umuwi nalang ng bahay. "ANG sakit ng ulo ko." Papasikat pa lang ang araw at ang sarap ng simoy ng hangin. Perfect time para makapag-release ng mga toxins sa katawan through exercise. Nagi-stretch kami ng biglang sabihin iyon ni Clare. Paanong hindi sasakit ang ulo niya? Ang dami niyang nainom nang umuwi siya kagabi. Nagtatampo nga ako sa kanya dahil hindi niya ako in-invite samantalang ako naman iyong tunay na heartbroken. Napairap nalang ako. Wala akong paki kung may hang - over siya o wala basta sasamahan niya akong mag-jogging. Ginising ko na sila ni Cas ng maaga para naman makapag-prepare na sila. Ngayon, prepare na kaming tatlo at nag-wa-warm - up nalang kami. Everytime na may sama ng loob ako ay dinadaan ko nalang sa pagjojogging at pagbobonding kasama ang dalawa kong loko-lokong kapatid. Wala naman silang magagawa kapag inaya ko sila ㅡ tutal, tanggal naman na pala sila sa mga trabaho nila. Sabi ni Mama, pinagalitan na raw nila ni Papa iyang dalawa na iyan kaya hindi ko na rin sila papagalitan tutal may problema rin ako. Likas na kasi ang pagiging matapang ni Cassie at ang pagiging mataray ni Clare. Minsan nga, tinatanong ko kay James kung ano ang nagustuhan niya sa isa sa mga kapatid ko. "Walang may paki." Sagot ni Cassie kay Clare. "Wala akong paki kung wala kayong paki." Banat naman ni Clare kay Cassie. "Lolo mo..." - Cassie said. "Lolo mo rin, bug*k ka." - sabi naman ni Clare. Tumigil na ako sa pagii-stretch. "Hindi naman kita kapatid kaya paano ko magiging lolo ang lolo mo, mas bug*k ka." Napangiwi ako. Ganito sila palagi kahit noong mga bata pa kami. "Manahimik." Saway ko sa kanila. "Tatlong ikot sa buong village, treat ni Cassie ang breakfast natin du'n sa healthy restaurant." Dugtong ko at binuksan ko nalang iyong gate. Naglakad naman sila pasunod sa akin. Nasa loob pa kasi kami ng gate kaya bubuksan ko palang para makalabas kami at makapagsimula ng nag-jogging. Iyong healthy restaurant na tinutukoy ko ay iyong restaurant sa tapat ng main gate ng village namin na nag-o-offer lang ng mga healthy foods. Best pumunta doon para lumamon sa mga kagagaling lang sa gym. Nakasuot nga pala kaming tatlo ng sport bra, jeggings and a pair of rubber shoes. Pare-pareho ang style ng sport bra namin, magkakaiba lang ng kulay.Yellow ang kulay ng sport bra ko habang green naman kay Cas af violet kay Clare. The rest, black jegging, white rubber shoes ㅡpare-pareho na kami. "Hala, bakit ako? Ako na nu'ng last jogging natin ah! Ang duga. Si Clare nalang, walang ambag iyan sa lipunan!" Cassie said and whined. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Heart - broken pa rin ako at hindi ko pa rin nakakalimutan iyong nangyari kahapon. Kaya nga mag-e-exercise muna ako para ma-fresh iyong utak ko. Hindi lang about kay Achill pati na rin sa stress ko sa trabaho. Pinagti-trip-an 'din ata ako ng boss ko e. Kung ano - ano ang pinapagawa sa akin. Tapos gusto pa nga akong papasukin ngayong araw dahil sasamahan ko raw siya sa importante niyang meeting. Tang*na niya, bahala siya, may substitute naman ako kaya anong problema niya? Secretary ako ng isang CEO sa company nila. Kumuha ako ng dalawang araw na leave para maka-attend ng kasal at iyong araw sana na ito ay ni-reserve ko para kay Achill ㅡ ang plano ko ay aayain ko siyang gumala. Pero maaaya ko pa ba iyon? Kagabi nga, tawag ng tawag iyon sa cellphone ko. Hindi ko naman sinasagot, pati mga text niya. Bahala muna siya sa buhay niya. Sana nga wala siya rito sa bahay nila. May sarili kasi siyang condo unit at madalas siya roon. Malamang, wala siya diyan, kasi kung nandiyan siya kagabi niya pa ako pinuntahan e magkatapat lang naman ang bahay naming dalawa. Kilala ko si Achill, kahit ala una ng gabi tapos nasa bahay siya diyan sa tapat at gusto niya akong puntahan, inaakyat niya pa iyang bahay namin. Sinabi ko nga sa kanya na puwede na siyang mag-apply sa grupo ng mga akyat - bahay. Actually, hindi ko pa siya nakikita na inaakyat ang bahay namin. Alam ko lang na inaakyat niya pero never kong nakita ng actual dahil magigising na lang ako na may katabi na pala ako at may nakayakap na sa akin. Ang sweet namin 'no? Pero ang sad lang kasi wala kaming label, sana kayo rin, joke. Pero... Napapaisip din ako. Kung gusto niya talagang malaman kung bakit ako biglang nawala kahapon, pupuntahan niya pa rin ako rito para alamin, pero hindi e, malamang kasama niya kasi iyong girlfriend niya. Oo, nagseselos ako, sobra. Nasasaktan rin ako, sobra. Pero hindi ko kailangang magpa-apekto, kailangan kong maging matatag at malakas, kailangan ko rin na mag-move on. "Anong walang ambag sa lipunan?! Ako nga nagpapalusot sa teacher mo at kay mama dati tuwing magka-cutting at mapapaaway ka! Ang kapal ng mukha mo, ikaw ang walang ambag!" balik naman ni Clare kay Cassie. Nakita ko pang kinaltukan ni Cas si Clare. "Puwede bang manahimik kayo? Ikaw na Cas, alam kong may pera ka diyan, 'wag kang madamot. Si Clare kasi, walang pera 'yan, inubos niya na kagabi." Paliwanag ko sa kanya. Napasimangot si Cassie. Binehlatan naman agad siya ni Clare. "Tama na nga iyan, tara na." sabi ko sa kanila at nauna na akong tumakbo sinadya ko talaga na 'wag ng tumingin sa bahay nila Achill. Sumunod naman sila. Nagku-kuwentuhan kami habang nag-jo-jogging, pero mas iyong kasatan ni Cas at Clare. Sa aming tatlo, si Clare talaga ang pinaka-close ni Cas kasi malapit ang edad niya rito. Limang taon ang tanda ko kay Cassie habang dalawang taon naman ang tanda ni Cassie kay Clare. So twenty-nine ako, twenty-four si Cassie, twenty - two naman si Clare. Lagi silang magkasama kaysa sa akin. Konti lang iyong bonding naming tatlo habang silang dalawa napakarami. Pero hindi naman ako naiinggit dahil masaya ako dahil close na close sila kahit na minsan panay asaran lang sila. Ngayon nga, magkasama sila sa trabaho kaya pareho silang natanggal. Siguro dapat hindi sila piangsasama sa iisang company. Accountant sila sa isang company, sabay din natanggal dahil pinagtulungan nila iyong babaeng ka-trabaho raw nila. Hindi pa malinaw iyong reason kung bakit nila tinarget iyon, malamang may dahilan iyon, hindi naman susugod itong dalawa kung wala. Gusto ko pa sanang alamin kaso dadagdag lang sakit ng ulo ko sa kanila kaya 'wag nalang. Ikatlong ikot na namin ito at pagbalik namin ay pupunta na kami sa healthy restaurant na binanggit ko kanina. "Uy si Kuya Achill!" nanigas ang pawisan kong likod nang marinig kong sumigaw si Cassie. Talagang ma-e-encounter ko pa dito ang gag*ng iyon? Kaasar bakit hindi nalang siya du'n sa girlfriend niya? Tutal seseryosohin niya naman iyon 'diba, doon nalang siya. Tang*na, nakakainis. Hindi ako tumigil sa pagtakbo, wala akong makakasalubong na Achill kaya malamang doon nakita ni Clare si Achill sa may intersection sa village, sa ibang kalsada siya dumaan. Dire-diretso lang ako.Hinahanda ko ang sarili ko dahil makakausap ko si Achill ngayon, sure iyon. "Pandak!" Hindi ako lumingon ng tawagin na ang pangalan ko. "Ate! Tawag ka ni Kuya Achill!" narinig ko si Cas. My gosh, alam ko, narinig ko na tinawag nga ako ni Achill. Ang sarap talagang hampasin nang kapatid ko. Nag-iisip pa ako kung titigil ako pero kusa nang tumigil ang mga paa ko nang tawagin ulit ako ni Achill. Napahawak ako ss tuhod ko at hingal na hingal.Nilingon sila Achill at mga kapatid ko. Si Achill ay ilang metro nalang ang layo sa akin hanggang sa makalapit na siya. Wala munang nagsalita sa amin dahil pareho kaming hinihingal. Sila Clare ang nagsasalita kahit hinihingal. "Nakakapikon talaga siya..." sabi ni Clare. "Sinabi mo pa, kating-kati na akong ingudngud siya." Sabi naman ni Cas. Hindi ko nalang sila pinansin. Napatingin ako kay Achill, ang guwapo niya talaga, pero anong sasabihin kong rason? Malamang tatanungin niya ako at kailangan kong maka-isip kaagad ng palusot. "Bakit ka umalis sa reception? I told you to stay there because I'm going to introduce her to you." sabi niya. Hindi ako sumagot, kinuha ko ang dala kong bimpo at pinunasan ang pawis ko Magkatapat na kaming nakatayo ni Achill ngayon. Nasa pagitan lang talaga ako ng balikat at dibdib niya.Habang si Clare naman ay hanggang balikat na talaga, si Cas ang matangkad, 5'7 ang height niya. Nagmana siya sa angkan ng mama ko na matatangkad. Pati paa niyan ni Cassie kalaki-laki, parang wala ng kakasya ng size ng sapatos sa paa niya. Pahirapan din siya bumili kaya may sarili talaga siyang taga-gawa ng mga sapatos niya. I gulped. Narealized ko na nandito pala siya sa bahay nila... pero bakit hindi niya ako pinuntahan? Gusto kong itanong iyon sa kanya pero hindi ko nalang ginawa. Nandito pala siya e bakit hindi niya nalang ako pinuntahan kagabi? Magkatapat lang naman ang bahay namin, nakakainis! Pero baka naman kasi kakarating niya lang kanina. "Bakit wala na bang bukas?" pabalang na sagot ko sa kanya, nakatanggap naman ako ng reward dahil doon. Isang kaltok. "Aray ko naman." Napakamot nalang tuloy ako ng ulo. Napansin ko naman na nagpatuloy na pala sa pagtakbo sila Cas. "Tinatanong kita ng maayos. Nag-aalala ako saiyo kahapon tapos hindi mo man lang talaga naisipang sagutin ang mga tawag ko." Sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ko pang magpakatotoo ngayon. Kunwari natawa ako. "Sorry naman! Edi ngayon mo nalang ipakilala, 'wag ka na magtanong kung bakit ako umalis kahapon. Tapos naman na iyon. Wala na tayong magagawa doon," sabi ko sa kanya. Tin-ap ko ng malakas ang balikat niya. "Tara, takbo na ulit! Pupunta kami sa healthy restaurant after this, sama ka?" Pinilit ko talagang maging casual, hindi niya puwedeng mahalata na affected ako. Habang nag-jo-jogging kami ay doon na ako nakatanggap ng sagot. "'Wag na kayong pumunta roon, sa bahay nalang kayo mag-breakfast, nagluto sila mama ng mga healthy foods." Sabi niya sa akin. Napatango naman ako sa kanya. "Andu'n ba si Fe?" tanong ko sa kanya. Ngayong taon kasi ay lumipat na si Fe sa condo unit kaya bihira na rin siya rito. Napatango siya. "Oo, nandu'n siya. Malamang gusto ka rin niyang makita, na-mi-miss ka raw niya." Sabi nito. Napangiti nalang ako, Si Fe talaga ang ka-edad ko at naging magkaklase pa nga kami nu'ng fourth - year highschool at naging closed friends pa kami dahil doon. "I missed her too..." sabi ko pa. Tumigil siya sa pagtakbo kaya tumigil 'din ako. Agad siyang umakbay sa akin. Hinayaan ko nalang siya kahit na pawisan siya dahil pawisan din naman ako. "Pupunta rin si Acelyn sakto para magkakilala na kayo. Tumakas ka kahapon e.." singhal niya. Napalunok ako bigla. Acelyn? Iyon ba ang pangalan ng girlfriend niya? "Acelyn?" Obvious naman na iyon ang pangalan ng girlfriend niya pero tinanong ko pa rin sa kanya. "Acelyn ang pangalan niya, and trust me, magkakasundo kayo ㅡ mabait siya, isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya." Napataas ang sulok ng labi ko. So gusto niya mabait? Bakit hindi ba ako naging mabait sa kanya? Tang*na talaga. Mabait naman ako ah, bakit hindi nalang ako? "Lolo mo makakasundo," mataray na sabi ko sa kanya. Ayan nahahawa na ako kay Cassie na 'lolo mo' palagi ang sinasabi kapag nag-aasaran sila ni Clare. "Bakit? Ayaw mo ba sa kanya? Kailangan mo siyang magustuhan dahil siya na ang papakasalan ko." Sabi niya sa akin. Ouch, hindi naman masakit nu'ng sinabi niya na siya na ang papakasalan niya. Kapag kinasal si Achill, mawawalan na rin siya ng oras sa akin ㅡmagbabago na lahat ng mga priorities niya. Tinulak ko nalang siya at agad na sinuntok sa braso. Tumaas naman ang kilay niya, naglabas din siya ng bimpo at pinunas iyon sa noo't leeg niya. "Sure ka na ba na magpapakasal na kayo ha? Inayos mo na ba lahat ha? Araw nalang ba ang hihintayin ha?" sa bawat tanong ay sinusuntok ko ang braso niya. Natawa lang siya at tinapon sa mukha ko ang bimpo na hawak niya, binato ko rin iyon pabalik sa mukha niya. "Tang*na, 'Dak, chill, ang sakit mo manuntok, okay?" sabi niya. "You know, mabilis lang iyang kasal na iyan.Kahit ngayon kung gusto mo pakasalan ko na si Acelyn." Kinunotan ko siya ng noo. Tang*na mo, tama na, masakit na. "E-Edi pakasalan mo!" inis na sabi ko at iniwan ko na siya roon. Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo, may tumulong luha sa mata ko pero agad ko nalang iyon pinunasan ng bimpo ko. Para siyang pawis, lumalabas tuwing pagod na. Pagod na akong masaktan ng paulit - ulit. Isang dekada na pero hindi pa rin ako natuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD