CHAPTER TWO
ERIDETH'S POV
"Yes, papa. I enjoyed watching them solve the case po, " sagot ko sa tanong ni papa kung totoo bang tumagal ako sa panonood kay Iggy at ang inspector sa pagresolba sa kaso kahapon. I giggled.
Spreading nutella on my bread while my parents are both looking at me on the screen like some puzzles, I gave them my usual innocent expression. I smirked when I saw my dad throwing my mom a surprised look.
"What about Iggy's new case, are you willing to come with him again and watch him solve the case?" my mama asked while glancing at my papa.
They really aren't used to me being cool with detectives and inspectors solving cases. Bata pa lang ako ay umiiyak ako sa tuwing tinatawagan si papa ng headquarters para magresolba ng kaso habang pinapanood namin siya ni mama sa tv. Sinusungitan ko ang kanyang mga kliyenteng pumupunta sa bahay at pinapatay ko ang tawag sa tuwing tinatawagan nila si papa. Kapag naman may dinadaluhang hearing si mama sinisiguro niyang hindi ko alam para hindi ako umiyak. But the real reason behind it is because I was traumatized... they're giving me the freedom to decide for myself because it's their way of comforting me.
"I am busy with my thesis, mama. Final defense ko na po next week," I replied putting a bite on my bread.
"Alright. So kamusta naman ang nakilala mong inspector?" Masigla na ngayon ang boses ni mama. Bahagya ko ring nakitaan ng pagkakainteres ang mukha ni papa.
"I don't like him po." Syempre kailangan honest pa rin kahit alam kong ma-o-offend sila.
"Why? He's one of the prominent and most skilled inspectors, honey," nag-aalala at nangungumbinseng tinig ni papa.
I rolled my eyes heavenward. "He is a playboy. I just really hope we won't cross path again."
Laglag panga pareho si mama at papa sa narinig na komento sa akin. "Normal naman ang magkaroon ng girlfriend ang isang lalaki. Paano mo ba nasasabing playboy si Inspector La Pierre? Mabait na bata iyon! Masipag sa trabaho, magaling mag-handle ng kaso, observant, at higit sa lahat gwapo!" Ayan at nagsimula na si papa sa pag-enumerate kung bakit hindi agad husgahan ang isang tao.
"Papa, he kissed three girls and dated them in a span of five hours. Partida sa magkakalapit lang na tatlong coffee shop niya sila dinate ah," I said full of honesty while sipping on my coffee.
Naubo nang malakas pareho ang mga magulang ko. Sinenyasan ni papa si mama na tapusin na ang usapan at napainom ito ng tubig.
"At narinig ko pa si Iggy na tumatanda na raw ang lalaking iyon. Hindi ba siya marunong magseryoso sa isang relasyon? Paano naman yung ibang lalaki na walang girlfriend. Siya hindi lang isa ang syota kundi marami! He even entertained a girl on our way home po!" Parang bata na nagsusumbong, tuluyan nang naibuga ni papa ang ininom na tubig.
"Papa, are you okay?" Inubo siya nang malakas. Nag-alala ako agad pero wala akong magawa. Agad na dinaluhan ni mama si papa at hinagod ang kanyang likod.
"Honey, we'll end the call here okay? Finish your breakfast at magpahatid ka na kay Manong Ron sa school. Ako na ang bahala sa papa mo," si mama at pinatay na ang video call.
I heaved a sigh. I know their reaction. It means that we met in awkward and so informal way. But what-evah!
It was another usual lunch date with my friends when Inspector Moral caught my attention. Nasa isang fast-food chain kami kaya gulat akong makita siyang kumakain kasama ang isang babaeng bago sa aking paningin. Another girlfriend? Wala ba siyang mga kliyenteng aasikasuhin o kasong reresolbahin?
"Hayst antagal naman ng update ni Tenten Takahashi," reklamo ni Valerie habang paulit-ulit na nire-refresh ang cellphone.
"Puputi muna ang mga buhok mo sa paghihintay sa nobelang iyan. Kaya mabuti pa tigilan mo na ang paghihintay," ani Rose.
Hindi ko na nasundan ang usapan ng dalawa nang sumulyap si inspector sa gawi namin. Napairap ako nang sumulyap ulit sa amin pero medyo nagtagal ang titig niya sa akin.
Nagkunware akong hindi ko siya kilala nang bumaling ulit sa gawi namin at kumaway.
"Anong ginagawa ng isang inspector dito?" Mukhang kilala ni Valerie si inspector kaya naman nang kumaway ito'y kinawayan din ni Valerie.
Baka naman si Valerie iyong kinakawayan niya, Erin? Feeling ka rin eh.
"Sinong inspector?" tanong ko, kunyare hindi ko kilala.
"Si Inspector Moral iyon ah. Kumakain pala siya sa fast-food chain?" Si Rose na kilala rin ang inspector.
Hindi ako nagpahalatang kilala ko ang playboy na iyon.
"Ano ka ba, eh ito ngang si Erin anak ng inspector kumakain rin sa fast-food chain," sambit ni Valerie at kumagat sa kanyang beef burger.
Valerie Esperanza is the youngest daughter of the chairman of Esperanza Holdings. Both of her parents are engineers and are all successful in their field. That's why she pursued architecture. Roseanne Ybanez is the daughter of Attorney Ybanez and Judge Ybanez. Mas kasundo ko siya dahil na rin sa magkalapit ang aming mga magulang. They are highschool best friends at naging ninong at ninang ko na rin ang kanyang mga magulang.
"Who's that girl he is with ba? Girlfriend niya kaya?" si Rose.
Bumaling kaming lahat kay inspector na nakikipaglandian na ngayon sa babaeng kasama niya. Papalit-palit siya ng girlfriend? O baka naman may schedule ang bawat isa sa kanyang mga girlfriend?
"Hindi mo ba siya kilala, Erin? Ang alam ko under siya sa division kung saan nagtatrabaho rin si tito." Agad akong umiling sa tanong ni Rose.
"Sure ka? Maybe you've met him in some parties. How about Kuya Iggy? He's under Inspector Moral's team, right?"
Agad ulit akong umiling. Medyo natawa pa ako nang marinig siyang tinawag na 'Kuya' si Iggy. I thought they had a thing...
"Si Iggy ang tanungin mo. I don't know him, he doesn't look like a professional inspector to me." Napairap na lamang ako.
"Si Erin pa ba ang aasahan mong sasagot sa tanong mo? Eh ayaw na ayaw nyan na naririnig at nalalaman na nagreresolba ng kaso si tito, co-inspectors niya pa kaya," natatawang ani ni Valerie.
"Wala talaga tayong aasahan sa kanya. Anyway, narinig ko na binusted mo raw si Denise?" tanong ni Rose. Nabaling na sa akin ang atensyon nila.
I gave them my bored look. "He's not good. Nagbubulakbol daw iyon dati eh." At isa pa playboy iyon.
"Oh come on! It's not because of their past that's holding you back to try men. Alam natin na wala ka talagang hilig sa mga lalaki dahil inaakala mong pare-pareho silang playboy." Valerie threw me a warning look. "Pero sure ka ba talaga na hindi ka tibo?" tanong nito sa akin na pareho namin tinawanan ni Rose.
"Excuse me? Wala lang talagang pumapasa sa taste ko," I said then flip my hair with matching rolling eyes. They both laughed.
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming bumalik na sa school. Hindi ko na tinignan si inspector nang paalis na kami. I wish we won't cross path again! Kinaiinisan ko ang mga playboy na kagaya niya! Pagkatapos ng klase ko ay agad akong nagpasundo sa driver namin. Hindi nga lang kami nakauwi agad dahil na-traffic.
"Hindi pa ba tayo makakausad? Bakit parang nasa EDSA tayo sa tagal ng traffic?" Ibinaba ko ang window ng kotse at nakita ang nagsidatingang mga pulis at tumigil sila sa harap ng isang bahay. May mga pulis na sa loob at sa labas nang dumating sila.
"Pasensya na po, Miss Erin. Mukhang hindi tayo makakadaan agad," si Manong Ron at bumaba ng kotse para siguro kumalap ng balita.
I stepped out of the car too. Maraming tao ang tinatanaw ang loob ng bahay kung saan pumasok ang ibang pulis.
"What happened there?" kalabit ko sa isang lalaking may katandaan na.
"May pinatay sa loob," sagot naman nito sa akin.
Lumabas ang ilang pulis at isang coroner na may dalang bangkay na nakalagay sa isang itim na bodybag. Natuon ang pansin ko sa dugong pumatak galing sa loob ng bodybag. Napaawang ang bibig ko at nanginig ang mga kamay ko. Lumakas ang pintig ng puso ko at nahirapan ako agad na huminga. Manong Ron held my hand gently and forced me to go inside our car.
"Naku po, Miss Erin. Hindi na po sana kayo lumabas. Kinausap ko na ang mga pulis at padadaanin nila tayo agad." He knows that this kind of case triggers some memories that traumatized me.
Hindi naman nangyari sa akin ito kahapon. I was alright all night as the investigation is going on. Bakit ngayon... Cold sweat trickled down and my hands went cold. Fragments of bad memories flashed on my mind. I bit my lower lip and closed my eyes to relax myself.
"Sir Iggy! Nasa loob po ng sasakyan si Miss Erin." I heard Manong Ron talk to Iggy outside the car. Mukhang nakita niya ako kanina.
Kinalma ko ang sarili ko. Bumukas ang car door at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Iggy.
"I'll drive you home," agad nitong sambit at binigyan ng tingin ang isang pulis na nakabuntot sa kanya kanina. Umalis naman ito agad para patabihin ang ibang sasakyan at ang mga taong nagkukumpulan sa labas ng gate nung bahay para makadaan ang sasakyan namin.
"What? You are busy, you have work to finish! Manong Ron was hired to do that," natataranta kong untag. Ayokong makaabala.
"You are pale, Erin."
"Alright. Drive me home when you are finished there. We'll wait here. Nagulat lang ako sa nakita ko. I was fine yesterday, right? Nakatagal ako sa isang imbestigasyon kung saan nangyari ang krimen. This one is not different. I am fine!" iritado kong sambit.
"No. It's not good for you to stay here," pagmamatigas nito at pumasok sa driver seat.
"Work before anyone else, Detective Ighirie Sullivan!" I said hysterically.
Pumasok si Manong Ron sa passenger seat.
"Isusumbong kita kay papa, Manong Ron! Iggy!" But Iggy has started the engine and maneuvered the car.
Hindi pa nga lang kami nakakalagpas ay huminto ang sasakyan sa harap ni Inspector Moral. Iba na ang suot niya ngayon. Kung kanina na naka civilian na damit, ngayon ay nakasuot na siya ng isang long vintage coat na puro nakabutones. He's also wearing white gloves and a folder was on his left hand. Iggy opened the car window.
Ipinagdasal ko bang hindi na kami magkita ulit? Bakit parang nananadya ang tadhana?
"Sorry, inspector. I'll just drive my cousin home, she's not feeling well," ani Iggy.
"It's okay. I'm in control here. I just want you to know that it is not a suicide."
"The suicide note says it all. Pero kung tama ang deduction mo, ang culprit ay wala sa bahay na iyon."
"Yes. Walang kinalaman ang suicide note sa totoong motibong pagpapakamatay niya o bakit siya pinatay. Gawa-gawa lamang iyon ng pumatay para roon tayo mag-focus. The majordomo states here that the victim is left-handed. The suicide note looks like a right-handed person wrote it. Plus the fatal wound was on his left abdomen-" Napatigil siya nang napatingin siya sa akin at bahagyang itinikom ang kanyang bibig. "Ang mabuti pa ihatid mo muna si Ms. Sullivan. Bumalik ka na lang rito agad." At tumalikod siya para pumasok sa loob ng bahay.
Iggy sighed and look at me from the rear mirror.
"Go and finish the case. I'm okay." I said.
"I'll be quick. I'll just tell him about my deductions and findings then come back here." Bumaba na siya sa kotse at patakbong pumasok sa loob ng bahay na iyon.
"Miss Erin, tubig po," abot ni Manong Ron sa akin ng tumblr niya na para sa akin naman talaga. Inabot ko ito at nagpasalamat.
"Sa tingin mo bakit hindi suicide ang nangyari kung sa unang tingin nila'y suicide ito?" naitanong ko na lamang pagkatapos uminom.
"Naku wala po akong alam sa mga ganyan." Napakamot sa kanyang batok si Manong Ron.
Tatlumpong minuto ang lumipas at nababagot na ako. Hindi pa bumabalik si Iggy. Tinanaw ko ang gate ng bahay. Nagsisilabas-pasok ang mga pulis doon. Kunti na lang ang taong nagkukumpulan doon. I saw the old man still standing at the post, facing the gate. Then suddenly naalala ko ang sinabi ni Iggy kanina. Hindi naman agad isinisiwalat ng mga pulis ang katotohanan kapag hindi pa tapos sa pag-iimbestiga. Kung walang kinalaman ang suicide note sa nangyari at nabanggit ni Iggy na kung tamang hindi iyon suicide ay wala sa bahay ang may gawa nun. Ibig sabihin inosente lahat ang nasa loob at nakalabas na ang pumatay!
Pero bakit alam ng matandang iyon na may pinatay sa loob?
"Miss Erin, namumutla na po kayo masyado! Ihahatid ko na kayo pauwi, tatawagan ko na lang po si Sir Iggy-"
"Sandali lang Manong Ron! Tumawag ka ng pulis. Papuntahin mo agad dito si Iggy dalian mo!" Nataranta na agad ako.
"Ha? Bakit po?" Manong Ron was confused but he did what I asked him to do.
Dalawang pulis ang lumapit sa sasakyan namin kasabay ni Iggy na nagmamadaling lumabas.
"Are you okay? What's wrong?" Dumungaw si Iggy sa car window.
Binuksan ko nga lang ang pinto, lumabas at nanginginig na itinuro ang matandang nakatayo pa rin sa tabi ng poste. Hindi nga lang nila iyon binalingan dahil busy na si Iggy sa akin. Ang dalawang pulis ay tahimik lang sa tabi nito.
"Hindi niyo naman ipinagkalat na may pinatay sa loob, h-hindi ba?" nanginginig kong sambit.
Nagsitaasan ang balahibo ko sa aking mga naiisip.
"We don't spread false news so no statement until the investigation is done. Bakit?" Nagtakha agad si Iggy.
"Kung ganoon, wala ni isang tao sa labas na may alam sa nangyari?"
"Wala. Because the victim's family wants to hide the truth."
My eyes widened. Paano nga nalaman ng matandang iyon!? Nasabi niya iyon bago napagtanto ni Inspector Moral na hindi iyon suicide!
"Arrest that old man!" I said, panicking while pointing my forefinger at the old man standing beside the post.
Wala akong ebidensya pero sapat na ebidensya ang sinabi niya kanina! Kaya lang bago pa makagalaw ang dalawang pulis sa tabi namin ay pinalibutan na ng ibang pulis ang matanda at pinosasan habang nakatayo si Inspector Moral sa harap niya at nagsasalita.
"Erin, how did you know that Mr. Xuan is the culprit?" gulat na tanong ni Iggy.
"Before the police carry the body out of the house, that old man said someone was murdered inside when I asked him what happened. Hindi ba kahina-hinala iyon na wala pang sinasabi ang mga pulis tungkol sa totoong nangyari?" dire-diretso kong tanong.
Iggy looks so amused. He then smiled at me. "Inspector found the culprit when someone in the house mentioned about an old man who's visiting the victim everyday. He deduced that the victim was killed by an old man and is right-handed because of the way he was stabbed and someone who knew that the victim has undergo surgery. After all he knew that he can't kill him that easily if he won't hit the most weak spot on the victim's body. The victim is left-handed. The suicide note was written by someone who's right-handed. Hindi nga lang marunong sumulat nang maayos ang pumatay dahil nakapag-iwan siya ng clue at matanda na kaya…" He smirked.
Nakahinga ako nang maluwag.
"Thanks to you and he was found guilty. We watched the CCTV footage with your conversation. I'm just surprised that you realized that he can be the culprit just because of what he said," pagpapatuloy niya.
Tinignan ko ang poste at may nakalagay ngang CCTV. Ngayon ko lang napansin iyon. Nakahinga ako nang maluwag. Pinaalis na ni Iggy ang dalawang pulis at pumasok ulit ako sa kotse. Para akong nabunutan ng tinik. Mabuti naman at natapos ang kasong iyon. Paano na lang pala kung idineklarang suicide iyon pero ang totoo hindi tapos nakatakas ang killer. Eh baka may susunod pang mabiktima!
Ihinatid ako ni Iggy sa bahay. Nagtagal siya roon dahil kinausap siya ni papa sa phone. Tahimik ang mga kasambahay habang kumakain kami. This is my usual life. I have no siblings to talk with kaya naman talagang si Iggy lang ang palagi kong nakakasama at nakakausap. Ang ibang pinsan ko kasi nakatira sa malayo.
"Hindi ka ba babalik agad sa headquarters niyo?" tanong ko sa kanya.
"Babalik ako mamaya. Naayos na ni inspector ang lahat. Panigurado mag-o-overtime iyon ngayon dahil may apat na kliyente siyang nakapila," sagot niya.
"Talaga bang naniniwala kang mareresolba niya ang lahat ng kasong hinahawakan niya?"
Kung ako ang tatanungin, kaduda-duda talaga siya. Kahit pa nakita ko na siyang mag-solve ng murder case nang dalawang beses.
"A hundred percent sure that he can handle any case. Itataya ko ang lahat, huwag mo siyang pagdudahan."
Naitikom ko ang aking bibig. Base talaga sa mga binibitiwang salita ni Iggy ay tinitingala niya nang husto si inspector. Baka mamaya magaya itong pinsan ko sa playboy na iyon eh.
"How can you trust him so easily?" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na.
"He has solved thousands of cases abroad before he was assigned here. Ngayon ko pa ba siya pagdududahan?"
"Sa abroad siya naka-base dati?"
"Oo. Estudyante siya ni Inspector Esther Trailbough."
My jaw dropped. The most credible, prominent, and most skilled inspector in America! Iyon ang inspector na halos i-offer ni papa ang mansion namin sa Batangas para lang makapag vacation dito!
"Ang alam ko bago niya tapusin ang criminology degree niya ay kinuha siya ng Federal Bureau of Investigations at isa siya sa in-offer-an ng Future Agents in Training program."
Nanlaki ang aking mga mata. Ibig sabihin naging detective at undercover agent siya ng ilang taon! Bakit parang nanliit ako bigla? Malaki naman pala ang natapos ng inspector na iyon pero bakit kaya siya playboy? I was about to ask but then I kept my mouth shut. Buhay niya iyon bakit ko ba pakikialaman? At isa pa choice niya iyon!
"Tapos na akong kumain. Magpahinga ka na at uminom ng gamot kung may naramdaman kang kakaiba, okay? Call me if you need something," paalam ni Iggy bago ako hinalikan sa noo.
Ihinatid ko siya sa labas bago ako umakyat sa kwarto ko at maligo para makapagpalit na. Pagkahiga ko pa lamang sa kama ko ay saka ko pa lamang naramdaman ang pagod.
I heaved a sigh. "What a tiring day. Wala akong ginawang nakaka-exhaust pero pakiramdam ko tinakbo ko ng ilang beses ang oval sa school."
At this moment I should be thinking about someone else. But the image of Inspector Moral keeps flashing on my mind. Bumabagabag talaga sa akin kung bakit kailangan marami siyang i-date na babae. Hindi naman ako ganito dati ah. Kapag alam kong babaero ang lalaki ay agad kong iiwasan at kakalimutan. Hayst!
Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko. "Bukas makakalimutan mo na siya dahil hindi na ulit magc-cross ang landas niyo!" And those comforting words made me fall asleep.