Mermaid 01 : Competitive Gale

2926 Words
MERMAID FOR EACH OTHER 01 : Competitive Gale Gale P.O.V "WHAT is the problem if I got higher points and I swim faster now than you? Why, am I a threat to you?" salita ni Pablo noong madissapoint ako sa time na nakuha ko noong mag-compete race na kaming mga swimmer sa paglangoy sa school pool at makiusap ako sa coach namin na ulitin nang isang beses pa ang race. Naiinis narin ako sa sarili ko at frustrated na dahil hindi lang pang isang beses na naming inulit ito kung hindi halos maraming beses na, na siyang si Pablo lang ngayon ang parating nakakakuha ng mas mabilis na time. Hindi ko naman alam na magagalit siya sa akin dahil sa mga action ko pero ang may pang-iinsulto niyang sabihin iyon? Biglaan nalang talaga nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. "Ang lakas naman ng loob mo? Kung maka-act ka ng ganiyan. Why, have you ever given honor to our university? I get frustrated so I want to give my best. Is there a problem with that?" naging maanghang nalang din talaga ang tabas ng dila ko na tinugunan siya dahil sa sobrang inis. Nang bigla siyang maangas na natawa sabay ahon sa tubig para punasan ang sarili niya ng tuwalya. "Yes! I admit that I have never been able to bring honors to our university. But that's because of the selfish like you! We can't even showcase our talent kasi ayaw mo malamangan. Ayaw mo na napapantayan ka. Ayaw mo namay nakakataas sa iyong iba. Wala ka kasing pake sa amin. Maliwanag pa sa sikat ng araw. I swim faster than you. I'm getting faster time than you. But you still insist on yourself so much that you can still beat me." Binantaan ko na siya to shut his mouth pero nagpatuloy parin siya. "Baka naman kasi hindi mo na ito era, kasi laos at pulpol ka na!" Hanggang sa hindi ko na makayanan ang mga pinagsasabi niya sa akin kaya sa sobrang buwesit ko sa kaniya ay mabilis ako na aahon sa pool para sugudin siya at biglain siya ng bangas ng malakas sa mukha. "You are too arrogant, ambitious, attention seeker, and thirsty for fame." Patuloy parin niya noong halos awatin narin kami noong magsapakan kami na nauwi sa pagka-suspended sa akin. Ako nagagawa ko pang magtimpi sa kaniya kahit mainit ang ulo ko dahil tinatrato ko parin siyang kaibigan. Pero ako ang higit na nakapagbigay ng damage sa kaniya, kaya naman mas pinaboran siya ng dean ng unibersidad namin. At ang masakit pa ay ni coach. Kinausap niya ako ng masinsinan after ng meeting with university dean na sana daw sa time na naibigay gawa ng suspended sa akin ay magawa ko makapagisip-isip. Siguro nga daw ay time naman ng kaibigan ko na si Pablo ngayon. "Lilinawin ko lang hindi ko na kaibigan ang g*gong iyon!" WTF! Sa umpisa lang iyan. Sa time na naibibigay nga niya sa swimming race namin, ay mas mabilis pa nga ang kaya ko ibigay doon e. Nananatili siyang pipitsugin at iyon lang ang kayang ibuga. Kung hindi lang talaga dahil sa aksidente ko last year after namin manalo ay nagkaroon ng kasiyahan. At noong pauwi na ako, papalabas ako galing bar noon. Ay may bumangga sa akin na sasakyan, hit and run na nagdulot sa mga binti ko ng komplikasyon. Sa kabilang banda, nakakasuka man. Oo kaibigan ko si Pablo. Traydor! Hindi ko ma-take na siya pa na kaibigan ko ang mapupuno ng inggit sa katawan sa akin at magtatanim ng sama ng loob. Ahem! Sabagay simula umpisa shadow ko lang siya. D*mn him. Mukhang hindi na niya nakayanan ang katotohanan na shadow ko siya from the very beggining at ngayong nakakalamang siya sa akin malamang gina-grabbed niya ang oppurtunity na patalsikin ako. Mapapakagat ako sa ibabang labi ko saka ako mapapasuntok sa hangin. Ngayon mas nagtitiwala sila sa kaniya? Masisisi sila. Dahil kapag nakabalik ako maglalaway sila sa paghahabol sa akin. Makikita nila. Maibabalik ko ang galing ko at bilis sa swimming gaya ng dati para sa taunang competition. --- "I AM SORRY for what I did." Naka-recieved ako ng text bigla na galing kay Pablo. Sarkastik akong nagulat at napa-smirk. "Oy! Did you send it wrong?" reply ko sa kaniya. "I'm really sorry. Are you okay? How are you?" Napakunot noo ako. Seryoso. Anong tinira nito? Pinaglalaruan niya ba ako? D*mn this guy. Nakakatawa lang ang pagiging two-face ni Pablo after ko ma-suspended at masira ang reputasyon ko lahat lahat nang dahil sa kaniya ay nagagawa niya pa akong kamustahin? G*guh*n ba ito? Oh! Siguro ang pangangamusta niyang ito ay nagpapahiwatig na pinapaalam niyang nasa rurok na siya ngayon at hawak na niya ang puwesto ko? Hindi malabo. Baka nga sa likod ng pangangamusta niya sa text ay nakangiti at tuwang-tuwa siya ngayon sa na-achieved niya. Gusto niya lang talaga mang-asar. Pero sisiguraduhin ko namang panandaliang kaligayahan lang sa puwesto ko ang ibibigay ko sa kaniya dahil babalik at babalik saka papatunayan ko na di hamak namang talunan siya kesa sa ipinapamukha niya sa akin. Sa kabilang banda, nasa byahe ako noon para umuwi sa aming resort sa isang malayong probinsya kung saan nag-umpisa ang lahat ng sa akin at pagiging swimmer ko. Hindi tuloy maiwasan ang pagbabalik ng mga alaala sa akin noong si Dad pa ang siyang unang naging trainer, coach, audience, at number one fan ko. Lahat ay siya ang nakasaksi. Dahil itago ko man ay lalabas ang katotohanang hindi naman kami may kaya o mayaman noon. Mahirap lang kami at mangingisda pa si Dad. Ang lupa kung saan nakatayo ang resort ay isa lamang tagpi-tagpi na kubo dati. Kung ide-describe ay poorest of the poor kami. Isang kahig, isang tuka. Kaya naman pareho kami ni Dad na nangarap na ang pagiging magaling ko bilang swimmer ang siyang magdadala saka mag-aangat sa amin at magbibigay kinang sa dalang apelyido namin na hindi ko naman binigo. Ilang patimpalak na nga ba ang napanalo ko, bukod sa unibersidad? Hindi ko na mabilang. Ngayon maaaring nasa ibaba ako at naagaw ng iba ang puwesto ko dahil sa pagiging mabagal ko. Oo alam ko namang iyon ang naging dahilan kaya binitawan na ako ng coach na ilang taon ko ng pinagkakatiwalaan. What a stupid! Makikita lang talaga nila. Sapagkat ako ay naniniwala sa sinasabi ni Dad sa akin noon kapag pumapalya ako? Ang kailangan ko lang ay matinding practice. Sabi nga niya. Ang skill at talent daw ng tao ay parang mechanismo na kapag hindi nagamit ng matagal which is dahil nga sa aksidente ko, e pumupurol at nagkakaproblema talaga. Kaya kailangan lang ay mag-reset at magrestart. Sinabi ko nga kanina, ang ibig sabihin nito ay ang pagbabalik ko sa probinsiya namin na halos ilang oras din ang lumipas ay narating na namin ng driver ko. Mabilis ako lumabas sa sasakyan bitbit ang ilan ko na kagamitan para mag-stay dito for a while. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako. Pero sa tingin ko? Medyo matatagalan. Hanggang sa mapamasid-masid ako sa paligid at view ng karagatan. Nang bahagya akong napangiti at napahinga ng malalim. Ilang taon narin ako hindi nakakadalaw sa resort namin pero wala paring pagbabago. Iyon at iyon parin. Muli akong huminga ng malalim saka ko hinarap ang driver ko para pagbilinan siya tungkol sa mansion. Mapagkakatiwalaan naman sila dahil kung may gagawin man sila na hindi maganda alam nila ang kabayaran na galing sa akin na puwede nilang kaharapin. Takot lang talaga nila. At sinabihan ko narin siya na tatawag nalang ako sa kaniya kapag magpapasundo ako. Sabay pumunta na ako sa tabing dagat bago ay sa resort para makapagpahinga. --- SINCE ang goal ko at priority ko ay ang mag-retrain sa lugar namin na ito ay wala akong sinayang na panahon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maibalik ang galing at bilis ko. But I'm failed. Sa unang araw at pangalawang araw ay iginugol ko ang sarili ko umaga, tanghali, at hapon sa pagsu-swim. Ilang beses din ako pinulikat at muntik na mapahamak saka madisgrasya pero hindi ako sumuko. Mabuti nalang talaga nasa mabababaw lamang ako ng parte ng dagat. Hanggang sa isang araw nalang ay may hindi magandang naganap. Minalas lang siguro talaga ako at masiyado kong pinush ang sarili ko dahil sa frustrate na that I can do my best. I can exceed my limit. Ang resulat e, kapahamakan. Hindi ko maikilos ang mga binti ko and I feel a hard pain noon dahilan para mawalan ako ng lakas at balance para iligtas ang sarili ko. Sobrang sakit. Gustuhin ko mang humingi ng tulong pero walang makakatulong sa akin dahil malayo ang resort namin. Halos kapusin narin ako ng hininga noong dire-diretso akong nilamon ng tubig sa dagat pailim matapos akong bagsakan ng malaking alon. Wala na akong ibang magawa noong tanging aninag na lamang ang nakikita ko, nang tila ba biglaang makita ko namay palapit sa akin bago ako ay tuluyang nawalan ng malay. Hindi ko aasahan doon na pala mag-uumpisa magbago ang buhay ko noong magulat nalang ako na paggising ko ay nasa tabi na ako ng dalampasigan malapit sa resorts. Ang mas nagpabigla pa sa akin ay ang isang babaeng nakangiti sa harapan ko. Itinaas ko ang ulo ko pero laking mulat nang mata ko noong may makita akong malaking buntot ng isda na tila kumakaway pa sa bewang ng babae. Nahimatay nalang muli ako at nang magising ay siya parin ang nakikita ko pero wala na 'yung buntot ng isda. Namamalik mata lang ba ako? Nang kahit hirap pa ako bumangon ay pinilit ko ang sarili ko. "Ako ay nasisiyahan na gising ka na. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" tanong ng babae namay pag-aalala ang tono. "I am okay!" sagot ko. "Mabuti naman. Masaya ako na muli na naman kitang nakita. Ako ang nagligtas sa iyo, ginoo." Salita niya. Muling nagkita? E, hindi ko nga siya kilala. Pero teka. Sino ba itong babae na ito? Iyon din ang itinanong ko sa kaniya nang sagutin niya ako na isa siyang sirena na matagal nang nagmamasid sa akin. At nagpapasalamat daw siya na nagbalik ako. Bata pa lamang daw ay kilala na niya ako. At kung hindi siya nagkakamali. Ako daw si Gale. "Ikaw ang gusto ko." Gusto? Huh? Ayos lang ba siya? Mabilis niyang kinuha ang kamay ko saka niya iyon inilagay sa kaniyang pisngi. "Gusto mo rin ba ako?" Tila napakunot noo ako sa mga pinagsasabi ng babaeng ito. Ano ito? Crazy! Saka nagpapatawa ba siya? Sumakit bigla ang ulo ko sa mga kabaliwan niya pero dahil sa hindi ko paniniwala na isa siyang sirena, ay pinatunayan niya iyon noong hawakan niya ang kuwentas na suot niya. Ay saka siya humiling, at doon sa isang iglap lang. Ang mga binti niya ay naging isang mermaid tails. Sa gulat at takot ay muli lang akong nahimatay. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko na nagawa pa. --- SIMULA noon ay pagkatapos lahat nang nangyari ay kinulit na ako ng sirena na ito. She lives with me. Dahil utang ko ang buhay ko sa kaniya ay pinagbigyan ko siya pero sana pala hindi ko na ginagawa. Kasi higit na pinagsisisihan ko na ito ngayon. Para siyang langaw o aso na parating nakasunod at nakabuntot sa akin. At isa lang ang masasabi ko. Baliw talaga siya! Baliw siyang babae. Kapag nakakasama ko siya kasi hindi naman siya palagi nawawala sa tabi ko. Parati niyang sinasabi na gusto niya ako dalhin sa kingdom nila para maging isang dibdib kami. Anyway she is Rina. That's her name. Sila daw mga sirena ay walang pangalan unless bigyan ko. At kinulit niya ako dahil doon. I don't want to gave her a name kasi baka magkamali siya ng intindi, but just to stop her. Basta matigil lang ang kabaliwan niya. Ay iyon! I gave that name. Since she is a sirena. I named her Rina. Naitanong ko nga e. Bakit nga pala ako ang gusto niya? Bakit hindi ibang tao nalang? Matatawa nalang ako sa isinagot niya noong sabihin niyang mabait ako. At iyon ang pinanghahawakan niya. "Ako mabait? Paano mo naman nasabi iyan?" tanong ko nga sa kaniya. At iyon na nga lahat nang nagawa ko for her ay nilagyan niya ng meaning. Katulad na lamang sa pagpapatira ko sa kaniya sa bahay kasama ako at iyon ang tungkol pangalan niya. Nasapo ko nalang ang ulo ko. Kung kaya ko lang ay nagawa ko na siyang dispatsahin simula umpisa pa lamang. Pero hindi ko ginawa. Because I am curious about her. I am curious about the thing in her. Ilang araw bago ang aksidente ko at pagkakaligtas niya sa akin. I want her to live me alone. Kaya ilang beses ko siyang sinubukang iligaw sa mga masusukal na gubat malayo sa resort pero nagagawa niya paring makabalik. Tinanong ko kung paano siya nakakabalik? May kinalaman daw 'yung itim na pearl na kuwentas niya. At noong sa ikalawang pagkakataon na muntikan na ako malunod ay kitang-kita ko kung gaano siya kabilis na lumangoy papunta sa akin na may binti at hindi bumabalik sa pagiging sirena. At muli binanggit niya sa akin noong tanungin ko na makapangyarihan ang kaniyang kuwentas na galing pa sa kaharian nila. Ano man daw ay kayang-kaya niyang gawin. Konektado sa kalikasan at karagatan ang itim na perlas kaya napaka-makapangyarihan nito. Biglaang pumasok sa isipan ko noon kung gaano siya kabilis na lumangoy. Kung mapupunta ba sa akin ang kuwentas ay maaari ko din taglayin ang mga bagay na nagawa niya? Kinompirma niya na Oo. At napagdesisiyunan ko na magagamit ko iyon kung sakali. I want that kind of power. Baka maging susi ito para talunin ang mga gustong bumangga sa akin. Kapag na-obtain ko ang kapangyarihan ng perlas ay maaaring maging pinakamagaling na ako hindi lamang sa pinas. Kun'di sa buong mundo pa. Hindi lang magaling, sobra-sobrang galing! That's why ang plano ko ay makuha ang kaniyang loob at paniwalain ko na unti-unti ay nahuhulog narin ang loob ko sa kaniya. I wan't to come to their kingdom with her. Magiging isang dibdib kami. Pwe! Kahit na sukang-suka na ako sa pagpapanggap ko ay pilit ko nalang tinitiis. As if namang ang kagaya ko na tao ay magpapakasal sa isang binasang isda. On the other side cute din naman siya at nakakatuwa. Pero kailangan hindi ako magpadala doon. Ang goal ko ay makamit pa ang mga kagustuhan ko para sa career ko bilang swimmer. Marami pa akong ambisyon. Hindi ang makipag-romance sa lamang dagat. Mabuti nalang I watch some glimpse and clips of teleserie na may romance romance. Nagagamit ko iyon para maging pain para makuha ko siya. Even umay na ako. D*mn. Napapaisip nalang ako. Hanggang kailan ko ba hahayaan ang sarili ko na magpanggap at umarte sa kaniya? This fish girl is a total idiot anyway! E, kung tutuusin din ay puwede ko namang nakawin nalang 'yung kuwentas sa kaniya? Wala siyang magagawa. Once I stole the pearl necklace. Immediately she will turn back in to a mermaid again. H*ck! --- SO THAT'S WHY hindi na ako nagpaligoy-ligoy noon, ilang araw din ay tuluyan kong napagpasiyahan ang mga plano ko. Sinubukan ko hiramin ang kuwentas sa kaniya. At dahil sa mga pinakita ko sa kaniyang kabutihan sa mga nakalipas na araw ay tuluyan kong nakuha ang loob niya at pagtitiwala. Mabilis niyang hinubad ang kuwentas saka siya dali-daling nagbago. Akala ko magtatagumpay na ako, but my first attempt to stole the pearI on her was failed. Kaya sa ikalawang pagkakataon ay gabi na noon nang makarating na ang driver ko na maaga ko tinawagan. At nang mahimbing na sa pagtulog si Rina gawa ng alak na dinala ko sa bag ko ay saka ko agad-agad na tinanggal iyon sa kaniyang leeg at itinakas. Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabalik ng kaniyang buntot isda noong sawakas ay napasakamay ko rin ang perlas. "Gale?" kitang-kita ko ang nakakatawa niyang mukha noong siya ay magising. "Anong ibig sabihin nito, Gale? Ang perlas! Ibalik mo sa akin iyan." Sinusubukan niya pa iyong agawin sa akin. "This is mine now." "Akala ko-" "Akala mo, what? That I really like you? H*ck! No!" Nakita ko na naluluha na siya. "Hindi ko inaasahan na tama nga silang napakasama mo!" "Anong sila?" tanong ko pero hindi ko na pinansin pa iyon. Dali-dali akong iniwan siya, nang marinig ko pa siyang may sinabi sa akin. "Pagbabayaran mo ang kalapastanganan mo, Gale." Sandali ako napatigil pero ano bang magagawa niya? Isa nalang siyang mabahong kalahating isda. Mabilis ako na umalis namay ngiti sa labi sabay suot ng perlas na kuwentas sa akin sakay ng kotse para lisanin ang probinsya. But something strange happened when we were in the middle of the highway away from the resort that night. I was holding the pearl necklace back then when the weather suddenly changed. The wind was blowing hard. Suddenly heavy rain hit, while thunder and lightning flashed. I ignored that, pero hindi ko alam na may kinalaman pala sa akin iyon. I think I got a curse. Curse that I haven't discovered it yet but when I got home, and when I woke up the next day I was shocked and surprised when behind my blanket there were not my legs but a fish tail. A mermaid tail. At first I thought baka naman namamalik mata lang ako dahil pagpikit ko at pagmulat ko muli ay binti ko na ang nakikita ko. Saka nakakatawa naman isipin at paniwalaan na may mermaid tail ako hindi ba? Tapos shining pink pa. Seryoso?! Pero namamalik mata lamang ba talaga ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD