Six

1907 Words

NAHIHILO na si Diosa. Hindi rin niya maintindihan kung bakit panay ang bungisngis niya kahit wala namang nakakatawa talaga. Parang ang gaan lang ng pakiramdam niya. At parang gusto niyang tumawa nang tumawa nang walang dahilan. Masaya lang siya. At gusto niya ang pakiramdam. "Cheers!" itinaas uli ni Diosa ang wine glass. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa iyon. Paulit-ulit lang. Si Rohn naman na katabi niyang nakasandal sa dingding, tahimik na ididikit ang hawak na wine glass sa wine glass niya. Uubusin na agad ni Diosa ang alak at magre-refill uli. Nasa kuwarto sila ni Rohn. Pagkaligpit sa kusina kanina, umakyat na rin siya. Inayos muna ni Diosa ang kama sa sariling kuwarto, inihanda para mamaya—kapag lasing na siya at ibabagsak na lang ang sarili sa kama. Listener l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD