JACKLYN Apat na buwan pa ang dumaan at ngayon nga ay last day na ng pasukan namin. Nakatapos nanaman ako ng isang taon, isang taon na lang ay gagraduate na ako ng High School. Bata pa lang ako ay alam ko na kung anong propesyon ang gusto ko paglaki. Gusto kong magtrabaho sa barko bilang Chef. Naghanap na ako online ng magandang school dahil sabi ni Nanay ay kaya niya na akong pag-aralin sa Maynila dahil sa malaking pasahod nina Mam Bea sa kanya. Ayoko man iwan sina Lolo at Lola pero gusto ko talagang malibot ang mundo habang nagtatrabaho. Gusto ni Nanay ay sa Preston International Academe sa Maynila ako mag-aral. Shareholder ang mga Adler sa school na iyon at isa ako sa mga scholars nila kaya naman pumayag na rin ako. Nagpa-schedule na rin ako para sa entrance exam. Kukuha ako ng BS

