JACKLYN Mabilis pang dumaan ang mga araw. Nakapasa kaming tatlo sa Preston kaya naman nag-party kami nang araw na iyon doon ulit sa bar nina Suzy. Ngayon nga ay pasko na, ka-videocall ko si Nanay nang makita ko si Ate Selene sa likod niya na nakangiti. Ang laki ng tiyan niya, buntis pala ulit siya? Kung ganon nasa Germany din si Lena? Parang wala naman siyang sinabi sa'kin nung tumawag siya kahapon. Ilang beses nang bumalik ng Germany si Lena dahil isinasama siya nina Kuya Adam at Ate Selene kapag umuuwi sila roon. "Hello po Ate Selene! Merry Christmas po!" nakangiti kong bati sa kanya. Nagkunot naman ang noo niya at biglang tumawa si Nanay. "Ay sorry anak hindi ito si Ate Selene mo, si Serena ito kakambal niya," saad ni Nanay habang tumatawa pa din. Napanganga ako, tinitigan ko si

