3 years later... JACKLYN Last performance ko ngayon sa Silver Mirage dahil babalik na kami ng Pinas nina Ate Yna. Nandito sina Ate Ava, Kuya Arkin, Thyle, Kuya Aidan at si Lucine na nagpumilit pumunta dito para makita ako ng personal. We've become friends dahil na rin kay Kuya na pareho naming kapatid. She's a sweet young soul kaya nga mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. Hindi tulad sa ibang artista na mataas ang ere kapag hindi na nakaharap sa camera. Palagi silang nag-aaway ni Thyle dahil magkababata pala ang mga ito gawa na magkaibigan ang mga Mommy nila. Si Nanay at si Daddy naman ay nasa States dahil doon nagbabakasyon ang mga ito. They are still on their honeymoon. Yes, ikinasal na sila... finally! After two decades ay ikinasal ang mga magulang ko and I'm so happy for

