JACKLYN "I said get your filthy hands off her DE VERA!" Mabilis pa sa kidlat kaming naghiwalay ni Thyle nang marinig ang mala-kulog na boses ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at hindi nakaligtas sa akin ang pagsara ng isang pinto sa may bandang dulo kung saan madilim at hindi mo mapapansin talaga, malamang yun yung aninong nakita ko kanina. Hindi ko na binigyan pa ng pansin at ibinalik ang paningin sa lalaking masama ang tingin ngayon kay Thyle. 'So sino naman ang mala-Brad Pitt na mukhaan na ito sa harap ko? Mukhang handa siyang bugbugin si Thyle anumang oras.' Itinago ako ni Thyle sa likod niya at narinig ko ang pagtawa niya sa reaksyon malamang ng lalaking katapat ngayon. Sumilip ako mula sa likod at nagtama ang mga mata namin ng lalaki, mayroon siyang bughaw na mga mata

