All I know at the end of the day is You want what you want and you say what you say And you fallin' your heart Even though it will break sometimes End of the Day by One Direction --- Nanginginig kong nilapag ang cellphone ko sa kama ko at pinipigilang umiyak. "Kumalma ka, Selene.... Tinawag lang. Walang malisya iyon!" pagkumbinsi ko sa sarili ko. Nagring nanaman ang cellphone ko at si Perseus ang tumatawag. Hindi ko na sinagot iyon at hinayaan na lang na tumigil. I don't want him to hear how miserable I am when I'm jealous. Akala ko, kaya ko na iyong mga ganitong eksena namin. Hindi yata talaga maaalis sa sistema ko ang pangamba kapag lagi silang magkasama. That girl is sweet and modest while me, is brusk and simple. Anong panama ko doon diba? Perseus loves you, iyon ang panama m

