Something about you makes me feel like a dangerous woman Something about, something about Something about you, makes me wonder the things that I should not Dangerous Woman by Ariana Grande --- Kakatapos naming kumain ng dinner at nasa may poolside kami ng vacation house nila. Nilalaro nila Tyrone, Queenie, at Solana si Felicity. Si Ate Pamela naman ay nauna nang umakyat sa kwarto niya dahil may tatapusin pa raw na trabaho. Kaya ang kausap namin ay si Mama Beatrice at Papa Francis. "What style of bridal gown do you like Selene?" tanong ni Mama Beatrice. I smiled. When I was a kid, I dreamed of looking like a queen when I will get married. I want to stand out among all the girls there. Pero iba na ngayon dahil may anak na ako at practical na ang pamumuhay ay gusto ko lang ng simple.

