ZENY’S POV PILIT NIYANG SINASARIWA ANG UNANG ARAW NG PAGKIKITA NILA NI ZENY. Marahil ito lang ang makakatulong sa kanya sa mga oras na iyon upang hindi mawalan ng pag-asa na malutas ang kinakaharap na problema. Anumang oras ay magkakaroon siya ng breakdown sa sunod-sunod na mga pangyayari. Nagpatawag siya agad ng ambulansiya upang maisalba ang buhay ng dalawang security staff na natagpuang duguan sa storage room. Ang nagngangalang Carlo at Barron ay parehong nakagapos ang mga kamay sa iisang upuan at tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Paanong ang mga trained staff ay humantong sa ganoong kalagayan? Marahil hindi lang iisa ang tao sa likod nito. Pero sino? Sino kaya ang mga masasamang tao na nagdulot ng karumal-dumal na krimen sa loob mismo ng kanilang kompanya? Sob

