ZENY’S POV “HI MISS ZENY! THIS IS KENNETH GONZALES FROM ANDERSON COMPANY. SAAN PO TAYO PWEDE MAGKITA MADAM?” bungad na mensahe sa kanyang mobile phone. Ang asawa ay abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga monthly reports na ipinasa ng bawat departamento. “Diretso na po ba kami sa building ng Ramos Trucking?” sumunod pang mensahe nito. “Hello, Kenneth! Nasaan na kayo ng team mo?” tugon niya. “Nasa Teresa na po kami. Saan po ba kami didiretso?” “Magkita tayo sa Hungrill Kawayan right after office hours.” “Okay Madam.” Sa wakas ay magkakaroon na ng malinaw na paliwanag tungkol sa problemang pinansiyal ang kompanya ng kanyang asawa. Duda siyang makakagawa pa ng palusot ang mga taong kasabwat sa pagwawaldas ng perang dapat ay napunta sa kompanya. Isa pa sa hindi mawala sa isip niya ay an

