ZENY’S POV “SAMAHAN KO NA SILA SA BABA, BABE,” sabi niya kay Lenard nang magpaalam na ang mag-asawa. Isang sorpresa talaga ang naging pagbisita ng mga ito at masayang-masaya siya na makasama ang mga ito sa maikling oras. Miss na miss na niya ang mga ito lalo na si Celine. Tila ba gusto na niyang sumama pabalik sa city. Kahit papaano naman ay nasanay siyang manirahan doon. “Samahan ko na rin kayo,” sagot ng lalaki. “Ako na lang. You have a pile of documents waiting for you to sign it. Kayang-kaya ko naman na ihatid sila,” nakangiti niyang sabi. “Okay.” Lumapit ito sa mag-asawa at niyakap ng mahigpit. “Bye, ingat kayo.” “Thanks Lenard,” tugon ni Jaxon. Hinatid niya ang mga bisita hanggang sa parking area. Masayang-masaya siyang niyakap ng mahigpit ni Celine gayundin ang asawa nito. Na

