LENARD’S POV ANG NAKATUTOK NA BARIL AY MABILIS NIYANG HINAWAKAN. Ang umalingawngaw na tunog na narinig nila sa labas ng kanyang opisina ang naging hudyat upang mabaling doon ang pansin ni Mr. Lee. “Lenard Ramos, isa lang ang pagpipilian sa ating dalawa na mauunang kunin ni Satanas! Isipin mong mabuti kung gusto mo na rin makita si San Pedro,” sabi ng lalaki sa pagitan ng pagkikipag-agawan nito sa baril. “Do you think that I am afraid to go to heaven? Huh?”ngumisi siya. “Alam kong doon ako papunta kung sakaling mamatay ako pero ikaw siguradong sa impyerno ang bagsak mo Joseph Lee!” “Uugh! Kung ako man ang mamamatay ay wala akong mahal na maiiwan. Hindi katulad mo na maaaring mauna pa sa makita ang langit kaysa sa mga magulang mo!” “Ahh!!!” sigaw nila pareho ng bumagsak sila sa sahig.

